Synodality, biyaya ng panginoon at hindi programang likha lamang ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,733 total reads

Inihayag ni Boac Bishop Edwin Panergo, na ang synodality ng Simbahan ay hindi isang programang likha lamang ng tao, kundi isang biyayang tinatanggap mula sa Diyos.

Sa kanyang homiliya sa Day of Encounter ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at ng Conference of Major Superiors in the Philippines, na ginanap sa Most Blessed Sacrament Chapel ng De La Salle University–Taft, binigyang-diin ng obispo na nawawala ang tunay na diwa ng synodality kapag ito ay nalilimitahan sa teknikal at procedural na usapin.

Ayon kay Bishop Panergo, kailangang manatiling nakatuon sa misyon ni Kristo ang pagsasabuhay ng synodality upang maging makabuluhan ang adhikaing sama-samang paglalakbay ng Simbahan.

“Synodality is not something we invent or control. It is something we receive. Before synodality becomes a program, a document, or a structure, it is first a response to a call. If it becomes merely procedural, we lose its soul,” ayon kay Bishop Panergo.

Pinagnilayan din ni Bishop Panergo ang Ebanghelyo ayon kay San Marcos hinggil sa pagtawag ni Hesus sa Labindalawang Apostol, kung saan ipinaliwanag niyang ang komunyon ang pundasyon ng sinodal na pamumuno sa Simbahan.

“Before the mission, there is presence. Before authority, there is a relationship. Before doing-for, there is being-with, and being-with requires time,” ani Bishop Panergo.

Binigyang-diin pa ng obispo ang kahalagahan ng pananatiling malapit kay Kristo upang magampanan ng mga pinuno ng Simbahan ang tungkuling makilakbay at makipamuhay sa bayan ng Diyos.

“Only leaders who remain with the Lord can truly walk patiently with the People of God,” dagdag ng obispo.

Ibinahagi rin ni Bishop Panergo ang kanyang karanasan sa unang pagkakataon na dumalo sa CBCP Plenary Assembly bilang bagong obispo, kung saan kanyang nasaksihan at naramdaman ang kongkretong pagsasabuhay ng synodality sa hanay ng mga obispo.

Ayon sa kanya, ang sinodal na pamumuno ay dapat nakaugat sa tunay na malasakit at personal na ugnayan.

“I saw a communion that is not manufactured, but given… We are entrusted not only with offices or functions, but with names, faces, and stories,” ani ng obispo.

Nanawagan si Bishop Panergo sa mga kapwa pinuno ng Simbahan na bumalik sa pinagmumulan ng synodlaity ang pananatiling kasama ng Panginoon.

“Only then can we truly walk together, not as managers of a process, but as companions in mission,” ayon sa obispo.

Umaasa ang obispo na ang Simbahan sa Pilipinas ay patuloy na maging isang tunay na simbahang sinodal na nakikinig, nagninilay, at sama-samang naglalakbay kay Kristo.

Katuwang ni Bishop Panergo sa pagdiriwang ng banal na misa, na bahagi ng 131st CBCP Plenary Assembly, sina Daet Bishop Herman Abcede, RCJ, at Gumaca Bishop Euginius Canete, MJ.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 77,764 total reads

 77,764 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 172,495 total reads

 172,495 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 216,763 total reads

 216,763 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,872 total reads

 239,872 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 311,504 total reads

 311,504 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top