Tangkang pagbuwag sa barikada ng mga residente ng Dupax del Norte, kinundena ng ATM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,357 total views

Mariing kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang hindi makatarungang paggamit ng puwersa ng kapulisan sa pagtatangkang buwagin ang barikada ng mga residente ng Barangay Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, na tumututol sa exploration activities ng Woggle Corporation.

Ayon sa mga paunang ulat mula sa lugar, mahigit 300 pulis ang ipinakalat upang ipatupad ang isang court order, na nagresulta sa pag-aresto sa anim na katao, pagkasugat ng ilan, at pagkawala ng malay ng dalawang residente.

Inilarawan ni ATM chairperson Rene Pamplona na labis at hindi makatuwiran ang laki ng puwersang ipinadala, lalo’t ang barikada na lamang ang natitirang paraan ng mga residente upang ipakita ang kanilang pagtutol sa pagmimina.

“This brutal display of police force is unacceptable. For one, the residents have no other recourse but to put up a barricade to register their opposition to mining and to Woggle’s exploration activities,” pahayag ni Pamplona.

Iginiit ng alyansa na nabigo ang Woggle Corporation at ang pamahalaan na magsagawa ng tunay na konsultasyon at makuha ang malinaw na pahintulot ng mga komunidad.

Dahil dito, ayon sa ATM, walang basehan ang pagpapatuloy ng exploration activities at dapat igalang ang karapatan ng mamamayan na tutulan ang proyekto.

Ikinababahala rin ni Pamplona ang desisyon ng korte na maglabas ng preliminary injunction sang-ayon sa kumpanya, na nagpapakita ng pagkiling ng mga institusyon ng gobyerno sa interes ng pagmimina.

“It is deplorable that government institutions, such as the [Department of Environment and Natural Resources] and now the regional trial court, have taken the side of the mining corporation to the detriment of communities and the environment,” giit ni Pamplona.

Nanawagan ang ATM sa mga lokal na pamahalaan na panigan ang kanilang mga nasasakupan at suportahan ang pagbawi sa exploration permit ng Woggle Corporation.

Binibigyang-diin ng grupo na tungkulin ng mga halal na opisyal na ipagtanggol ang kapakanan ng mamamayan at unahin ang pangangalaga sa kalikasan kaysa sa mapaminsalang pagmimina.

“We stand in solidarity with the protestors, and we laud their firm conviction and undaunted commitment to protect their communities from the inevitable destruction caused by mining operations,” saad ni Pamplona.

Una nang iginiit ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na hindi dapat madaliin ang pag-aalis ng barikada sa lugar, dahil kailangan pang malinaw na tukuyin ang mga suliranin, kabilang ang pagmamay-ari ng mga lupang maaapektuhan ng proyekto ng Woggle Mining Corporation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,918 total views

 14,918 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,923 total views

 36,923 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 61,265 total views

 61,265 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 85,217 total views

 85,217 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,904 total views

 119,904 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top