Tunay na synodal church, nakikipagdayalogo at nakikinig-Bishop Ayuban

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 48,994 total views

Nanindigan ang mga lider ng Simbahan sa Pilipinas na ang mas malalim na diyalogo, pakikinig, at wastong paggamit ng awtoridad ay susi sa pagtatatag ng isang tunay na sinodal na Simbahan.

Ito ang binigyang-diin sa Day of Encounter ng mga obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines at ng mga kasapi ng Conference of Major Superiors in the Philippines, ikalawang pagkakataon na nagtipon ang dalawang grupo upang palalimin ang ugnayan at pagtutulungan sa misyon ng Simbahan.

Ayon kay Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations between Bishops and Religious, hindi maaaring umiral ang tunay na pagtutulungan kung hindi bukas sa pakikinig ang magkabilang panig.

“There can be no true collaboration where dialogue is absent, listening is neglected, or authority is exercised in a domineering manner,” ayon kay Bishop Ayuban.

Binigyang-diin ng obispo na ang pagkasira ng ugnayan sa loob ng Simbahan ay madalas nagmumula sa maling pag-unawa at paggamit ng awtoridad.

“Mutual relations are undermined when autonomy is confused with independence or when compliance replaces genuine communion,” dagdag ng obispo.

Iginiit ni Bishop Ayuban na ang pagpapatibay ng ugnayan ay hindi lamang pananagutan ng isang sektor.

Hinikayat ng obispo ang mga consecrated men and women na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, habang umapela naman sa mga obispo na maging mapagkalinga at malapit sa kanilang kawan bilang mga pastol ng Simbahan.

“In exercising our office of father and pastor, we should stand in the midst of our people as those who serve… We are called to remain close to our people, like shepherds who ‘carry the smell of the sheep,’” giit ng obispo.

Bilang kongkretong hakbang, iminungkahi ni Bishop Ayuban ang pagtatalaga ng vicar o delegado para sa mga consecrated persons sa bawat diyosesis upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at ugnayan sa lokal na Simbahan.

Samantala, binigyang-diin naman ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines, na ang sabayang paglalakbay ng mga obispo at ng mga nasa buhay-relihiyoso ay isang makapangyarihang tanda ng pagiging tapat ng Simbahan sa misyon ni Hesus.

“To walk together, therefore, is already a prophetic act. It proclaims that the Church is awake, attentive, and ready to stand with those who suffer,” ani Fr. Redoblado.

Iniuugnay ng pari ang diwa ng synodality sa kongkretong pagtugon ng Simbahan sa mga sugat ng lipunan, kabilang ang katiwalian, kahirapan, at pagkasira ng kalikasan, mga suliraning higit na nagpapabigat sa kalagayan ng mahihirap.

“Our nation continues to be wounded by corruption and poverty, and by the wanton exploitation of the environment… If we hesitate too long, silence may be mistaken for indifference,” babala ni Fr. Redoblado.

Iginiit pa ng pari na ang tunay na reporma sa Simbahan ay nagsisimula sa ugnayan at hindi lamang sa mga istruktura, aminado man na ang Simbahan mismo ay patuloy na hinahamon sa loob at labas.

“It is not structure that makes things possible, but relationship… These are not failures, but graces, reminding us that synodality is a pilgrimage: sometimes brisk, sometimes slow, but always shared,” ayon sa pari.

Muling pinagtibay ng Day of Encounter ang paninindigan ng Simbahan sa Pilipinas na maglakbay nang magkakasama ang mga obispo, kaparian, at mga consecrated men and women para sa iisang misyon, ang tumindig at makilakbay kasama ng mga nagdurusa, tungo sa mas malalim na komunyon at tapat na paglilingkod.

Isinagawa ang Day of Encounter sa De La Salle University – Taft noong January 23, 2026 bilang bahagi ng 131st CBCP Plenary Assembly.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 7,687 total views

 7,687 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 181,621 total views

 181,621 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 159,254 total views

 159,254 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 223,146 total views

 223,146 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 242,382 total views

 242,382 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top