Taos-pusong pagtulong sa kapwa, daan tungo sa kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,022 total reads

Hinikayat ni Imus, Cavite Bishop Reynaldo Evangelista ang mananampalataya na higit pagtuunan sa panahon ng Kuwaresma ang pananalangin at pagbabalik-loob.

Sa liham pastoral para sa Miyerkules ng Abo, sinabi ni Bishop Evangelista na ang pagpapanumbalik ng dangal bilang mga anak ng Diyos ay ang pinakamahalagang handog na patuloy na ipinagkakaloob sa sanlibutan.

Ayon kay Bishop Evangelista, mahalagang pagtuunan ngayong Kuwaresma ang taimtim na pananalangin upang madama ang presensya ng Diyos at makamtan ang kapatawaran sa mga nagawang pagkakamali at pagkakasala.

“Sa pamamagitan ng panalangin, sinusuri natin ang kalooban nating hitik sa pagkakamali at pagkukulang. Dahil dito, nakakatagpo natin ang Diyos at natututo tayong magpakumbaba sa Kanya,” pahayag ni Bishop Evangelista.

Inihayag naman ng Obispo ang patuloy na pagbuti ng lipunan mula sa epekto ng coronavirus pandemic, kaya’t inaanyayahan nito ang mga mananampalataya na pagsumikapang palalimin pa ang pananampalataya sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawain ng simbahan lalo na ngayong Kuwaresma.

Gayundin ang pagsasakripisyo sa pamamagitan ng pag-aayuno at pangingilin, at ang pagkakawanggawa lalo na sa mga higit na nangangailangan.

“Ang taos-pusong pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit ay daan tungo sa kabanalan. Walang anumang handog na materyal ang mas hihigit pa sa pag-aalay ng panalangin, panahon, talento, yaman, at sarili para iangat ang kalagayan ng mga dukha at nahihirapan,” ayon kay Bishop Evangelista.

Tuwing Miyerkules ng Abo ay inilulunsad ng simbahan ang FAST2FEED Program ng HAPAG-ASA Pondo ng Pinoy Community Foundation, bilang pagpapaalala sa tungkulin ng bawat mananampalatayang tulungan at pangalagaan ang mga dukha lalo na ang mga malnourished children.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,661 total reads

 22,661 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,749 total reads

 3,749 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,333 total reads

 40,333 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,739 total reads

 96,739 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,224 total reads

 220,224 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,097 total reads

 176,097 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top