Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tatlong dekada ng CARP

SHARE THE TRUTH

 1,103 total views

Mga Kapanalig, tatlong dekada na ngayong taon ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP na naisakatuparan sa pamamagitan ng Republic Act No. 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law of 1988. Isa ito sa mahahalagang programang sinimulan kasabay ng unti-unting pagtatatag ng demokrasya sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng diktadura. Layunin ng CARP na maipamahagi ang mga lupang-sakahan sa mga magsasaka at manggagawa sa mga sakahan at tulungan silang umunlad at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Mula noon hanggang 2017, mahigit 4.7 milyong ektarya ng lupang sakahan—kasama ang mga pribadong sakahan—ang naipamahagi na sa 2.8 milyong magsasaka o agrarian reform beneficiaries o ARBs. Katumbas sila ang mahigit kalahati (o 54%) ng mga pamilyang umaasa sa pagsasaka. Mahigit 6,000 samahan ng mga magsasaka ang natulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang na may mababang interes, mga pagsasanay o training, at iba pa. Samantala, kailangan pang ilipat sa mga karapat-dapat na ARBs ang pagmamay-ari ng mahigit kalahating milyong ektarya ng mga sakahang isinailalim sa CARP, karamihan sa mga ito’y pagmamay-ari ng mga tinaguriang “panginoong may lupa”.
Gayunman, may dalawang malaking hamon upang lubusang makamit ang layunin ng CARP.

Una, sa mga lupaing naipamahagi na, may ilang napabayaang magamit para gawing residential o kaya naman ay commercial areas. Land conversion po ang tawag dito, at may mga kaso ng land conversion na hindi dumaan sa tamang proseso o kaya nama’y naaprubahan kahit hindi kumpleto ang mga requirements. May mga kaso ring nagawan ng paraan upang lusutan ang nakasaad sa batas upang palitawing legál ang land conversion, gaya na lamang ng pagpatag ng isang bundok sa Boracay. Kung inyong maaalala, inusisa ng isang babaeng lider-magsasaka, si Ka Elvie Baladad, ang pagsira sa bundok ng kompanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Senadora Cynthia Villar. Ani Ka Elvie, ang lupang sinira o lupang tinayuan na ng kabahayan ay hindi na maaaring taniman ng palay.

Hadlang din sa pamamahagi ng lupang sakahan ang hindi pagkakasama sa CARP ng marami pang pribadong sakahan. Hindi na nagawang isyuhan ng Department of Agrarian Reform o DAR ng notice of coverage o NOC ang mga ito bago matapos ang itinakdang panahon ng programa. Ang NOC ang simula ng proseso ng pamamahagi ng lupa sa mga benepisyaryo, kaya’t kung walang NOC, walang lupang maipamamahagi. Sa mga nabigyan naman ng NOC, marami ang sinasabing erroneous o may mga mali gaya ng hindi tamang sukat ng lupa o hindi kumpletong pangalan ng may-ari na naisulat sa titulo. Kung hindi maitatama ang mga ito, wala ulit lupang maipamamahagi.

Hindi perpektong solusyon ngunit isang mahalagang hakbang ang CARP upang tugunan ang problema ng ‘di patas at ‘di makatarungang paggamit ng likas-yamang katulad ng lupa sa Pilipinas. Alinsunod din ito sa isang batayang prinsipyo ng panlipunang turo ng Simbahan—ang pangkalahatang layunin ng mga bagay sa mundo at ng pribadong ari-arian; sa Ingles, universal purpose of earthly good and private property.

Gaya ng sinasabi sa Gaudium et Spes, “Inilaan ng Diyos ang daigdig at ang lahat ng mga nilalaman nito para sa lahat ng tao upang makatarungang mapagbahaginan ng sangkatauhan ang lahat ng bagay na nilalang…” Ginamit naman sa Populorum Progressio ang winika ni San Ambrosio upang bigyang katwiran ang pamamahagi ng yaman ng mundo lalo na sa mga mahihirap. Ani San Ambrosio, “Hindi ninyo ibinibigay ang inyong kayamanan sa taong dukha. Ibinibigay ninyo sa kanya ang sa kanya… Ipinagkaloob ang mundo sa lahat, at hindi lamang sa mga nakaririwasa.” Ito ang diwa ng CARP.
Ang tanong ngayong tatlong dekada na ang CARP: seryoso kaya ang administrasyong Duterte na ipagpatuloy ang repormang agraryo? O hahayaan nitong manatili sa kamay ng iilan ang mga lupang dapat pakinabangan ng lahat?

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,324 total views

 25,324 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 33,992 total views

 33,992 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 42,172 total views

 42,172 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 37,907 total views

 37,907 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 49,957 total views

 49,957 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,325 total views

 25,325 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 33,993 total views

 33,993 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 42,173 total views

 42,173 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 37,908 total views

 37,908 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 49,958 total views

 49,958 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 56,397 total views

 56,397 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 85,402 total views

 85,402 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 105,966 total views

 105,966 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 87,891 total views

 87,891 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 98,672 total views

 98,672 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 109,728 total views

 109,728 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 73,590 total views

 73,590 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 62,019 total views

 62,019 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 62,241 total views

 62,241 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 54,943 total views

 54,943 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top