Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Taumbayan, Hinimok ng CBCP na ipagdasal ang Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Ipinapanalangin ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinalungkot ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng CBCP ang ulat sa medical findings na may nakitang tumubo sa digestive tract ng Pangulo sa isinagawang endoscopy.

“It’s a sad news, the medical findings; and we would like to really pray for our President that he would be recovering from this found illness.” ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Arsobispo ang mamamayan na sama-samang ipagdasal ang kalusugan ng Pangulo sapagkat mahalaga ang tungkulin nitong ginagampanan sa bayan.

“We would Pray for him that he would be back to his health so that he can run the affairs of the Country.” panawagan ni ng Arsobispo.

Noong Biyernes ay ibinahagi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iminungkahi ng mga doktor kay Pangulong Duterte na sumailalim sa endoscopy upang mas higit na masuri ang tumubo sa digestive tract nito.

Ang Endoscopy ay isang pagsusuri sa upper digestive tract ng tao habang ang Colonoscopy naman ay upang malaman ang kalagayan ng large intestine o Colon.

Si Pangulong Duterte ay 73 taong gulang na, ang pinakamatandang nahalal na Pangulo ng Pilipinas sa kasaysayans.

Iginiit ni Archbishop Valles na ipinagdadasal ng Simbahan at ng bawat mananampalataya ang mga may karamdaman kabilang na si Pangulong Duterte.

Hinihikayat naman ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe sa mga kristiyano na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, polisiya at grupong pulitikal na kinaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 10,467 total views

 10,467 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 31,532 total views

 31,532 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 54,554 total views

 54,554 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 93,866 total views

 93,866 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top