Tax at PHILHEALTH premium hike, insulto sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

 809 total views

Pataasin ang buwis ng mga malalaking korporasyon at nagmamay-ari nito.

Ito ang apela sa pamahalaan ni Father Eric Adoviso, Minister ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa halip na itaas ang buwis na sinisingil sa Value Added Tax at singil sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Premium.

Ayon sa Pari, liliit ang purchasing power ng ordinaryong mamamayan na mabili ang pangunahing pangangailangan kapag itinaas ng pamahalaan ang VAT.

“Kailangan ayusin yung Health System, buwisan yung mayayaman tapos yung mahihina sila talaga yung makinabang sa serbisyo ng gobyerno. Hindi palagi yung mga mahihirap, bawat bili natin anuman ang puntahan natin may tax lahat. Ang isa pang problema ang laki ng utang natin,” pahayag Father Adoviso sa Radio Veritas.

Iginiit din ni Father Adoviso na sapat ang ipinatupad na wage hike sa National Capital Region at iba pang rehiyon sa bansa dahil aabot lamang ito ng 20 hanggang 110-piso kumpara sa napakalaking kita ng korporasyon.

Nanindigan naman si Sonny Africe, executive director ng Ibon Foundation na hindi patas para sa mga manggagawang lubhang naapektuhan ng mahigpit na pagpapatupad ng lockdowns kung itataas pa ang mga sinisingil na buwis.

“Dapat tanungin ng ordinaryong Pilipino kung bakit palaging tayo ang napapatawan ng buwis, sa harap ng napakaliit na kita at wala namang naiipong yaman. Habang ang iilan na may bilyun-bilyong piso ay nagbabayad ng malayo sa kaya pa sana nilang kontribusyon,” pahayag ni Africa sa Radio Veritas.

Ipinapanalangin naman ni Father Adoviso ang mga manggagawang apektado ang kabuhayan bunsod ng pagtaas ng bilihin at pandemya na tratuhin silang pantay ng mga employer.

Naunang ipinaliwanag ng Philhealth na ang pagtataas ng 4% mula sa 3% na singil sa buwanang suweldo ng mga manggagawa ay alinsunod sa Universal Health Care Law.

Ang PhilHealth premium hike ay aabot ng 400-piso para sa mga manggagawang kumikita ng 10-libong piso pababa kada buwan.

Para naman sa mga kumikita ng 10-libong piso hanggang 80-libong piso ay aabot ang singil sa 400 hanggang 3,200-piso kada buwan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 3,448 total views

 3,448 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,809 total views

 28,809 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 39,437 total views

 39,437 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 60,413 total views

 60,413 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 79,118 total views

 79,118 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top