Team Duterte, inspirado sa tiwala ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malacanang sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob ng mga mamamayan sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, magsisilbing hamon ang malaking tiwalang ito ng taumbayan sa lahat ng mga opisyal ng pamahalaan upang ipagpatuloy at pangatawanan ang reform agenda na “Tunay na Pagbabago” ni Pangulong Duterte partikular na sa pagsugpo ng ilegal na droga, kriminalidad at kurapsiyon sa lipunan kasabay ng puspusang pagtiyak sa patuloy na paglago ng ekonomiya ng bansa.

“This will further motivate his administration to continue what he started in his first 100 days–fighting illegal drugs and crime, combating terrorism, curbing corruption, and sustaining the momentum of economic growth. This also validates the people’s full support for his reform agenda of “tunay na pagbabago” or real change that swept him to the presidency in the May election…” pahayag ni Andanar.

Kaugnay nito, sa panibagong Social Weather Station survey na isinagawa mula September 24 hanggang 27, lumabas na sa 1,200 na respondents, 8 porsyento lamang ang nagsabing hindi sila nagtitiwala sa Pangulo habang 83-porsyento naman ang may malaking tiwala kay Pangulong Duterte, na katumbas ng (Positive)+76 Net Trust Rating na nasa excellent category.

Sa parehong survey, lumabas rin na tiwala at kuntento ang nasa 84 na porsiyento ng mga respondents sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa kabila ng iba’t ibang usapin kaugnay nito tulad ng Extra-Judicial Killings.

Samantala, una nang nagpahayag ng pagsuporta ang Simbahang Katolika sa layunin ng kasalukuyang Administrasyon na masugpo ang ilegal na droga at kriminalidad sa bansa, ngunit binigyang diing hindi nararapat malabag ang ano mang karapatan ng mga mamamayan higit sa lahat ay kitilin ang buhay ng mga lumabag sa batas at maging ng mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,126 total reads

 11,126 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,380 total reads

 239,380 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,846 total reads

 132,846 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,875 total reads

 226,875 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,671 total reads

 270,671 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top