Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Teenage pregnancy sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 4,802 total views

Marami pa rin ang bilang ng teenage pregnancy sa ating bansa. Noong 2020, umabot ng 56,248 ang bilang ng live births mula sa mga batang may edad 10 hanggang 17 at 51 live births mula sa mga batang 10 hanggang 12. Pihadong marami pa ang hindi nakakasama sa bilang dahil marami pa sa kanila ang hindi nakatala. Marami ang nahihiya at hindi agad nagpupunta sa mga hospital at health centers.

Malubhang isyu ito kapanalig, na dapat harapin hindi lamang ng pamahalaan kung hindi ng mga pamilyang Pilipino. Marami itong dalang hamon sa ating kabataan at lipunan. Nagdadala ito ng mabigat na responsibilidad sa kabataan habang ang katawan nila ay nahihirapan. May pangmatagalang epekto ito sa kanilang buhay pati na sa kanilang magiging supling.

Una sa lahat, malaking pagbabago at stress ang dinadala ng maagang pagbubuntis sa katawan at isip ng teenager. Mas at risk sila sa mga sakit gaya ng eclampsia at systemic infections na nakamamatay. Ang kanilang sanggol din ay at-risk – maaring masyadong mababa ang kanilang maging birth weight at maaari rin silang maging preemie, o mapanganak na maaga.

Hindi rin dapat nating kaligtaan na hindi lang physical health ang apektado ng teenage pregnancy. Malaki rin ang epekto nito sa mental health ng kabataan. Nagdadala ito ng malubhang stress sa isip, pati na ng depresyon. Pati kumpiyansa ng teenager sa kanyang sarili at sa kanyang kakayahan at kinabukasan ay apektado nito.

Ang mga teenager na nabubuntis ay kadalasang nakakaramdam ng pag-iisa at kawalan ng suporta. Pakiramdam nila, kahihiyan sila ng pamilya at komunidad. Dahil dito, marami ang tumitigil mag-aral, at nag-aasawa na lamang. Mabilisang life changes ang nangyayari sa kanila sa ganitong punto, na wala pa silang kahandaan na harapin at tahakin. Kadalasan, ang bukas na kanilang hinarap, para sa kanila, ay madilim at napakahirap.

Kapanalig, ang unang hakbang upang ating labanan ang teenage pregnancy ay ang pagpapatatag ng pamilya. Kailangan, mula sa ating tahanan, ating nakakausap ang ating mga kapamilya ukol sa mga issues, panganib, at hamon na kanilang pinagdadaanan. Dapat nating ginagabayan at binabantayan, mula sa tahanan pa lamang, ang ating mga kabataan. Dapat nating ituro sa kanila ang tama at mali, at iparamdam sa kanila na sila ay hindi nag-iisa. Kailangan natin silang protektahan. Hindi lahat ng teenage pregnancy ay dahil sa maagang pakikipag-nobyo. Marami ang mula sa krimen. Ang age of sexual consent sa ating bayan ay 16.

Kapanalig, ayon sa Amoris Laetitia, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, “The welfare of the family is decisive for the future of the world and that of the Church.”  Kapanalig, kabataan ay ang kinabukasan ng sangkatauhan. Bawat pamilya ay dapat protektahan sila at gabayan upang hindi nila maranasan pa ang teenage pregnancy at ang malubhang epekto nito.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 18,154 total views

 18,154 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 38,881 total views

 38,881 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 47,196 total views

 47,196 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 65,698 total views

 65,698 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 81,849 total views

 81,849 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 18,155 total views

 18,155 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 38,882 total views

 38,882 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 47,197 total views

 47,197 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 65,699 total views

 65,699 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 81,850 total views

 81,850 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 67,097 total views

 67,097 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 55,526 total views

 55,526 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 55,750 total views

 55,750 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 48,452 total views

 48,452 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 83,997 total views

 83,997 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dignidad ng mga PWD

 92,873 total views

 92,873 total views Mga Kapanalig, paano natin tinatrato ang mga persons with disability (o PWDs) sa ating lipunan? Sa isang video na nag-viral kamakailan, isang babaeng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tungkulin sa pandaigdigang komunidad

 103,951 total views

 103,951 total views Mga Kapanalig, simula nang makulong si dating Pangulong Duterte sa The Hague, naging mulat na tayo sa ating mga obligasyon sa pandaigdigang larangan.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahinahunan

 126,360 total views

 126,360 total views Maging mahinahon… Pagtitimpi… mahabang pasensiya at pang-uunawa. Kapanalig ito ay isang hamon sa ating mamamayang Pilipino, sa ating sarili sa gitna ng kinaharap

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 145,078 total views

 145,078 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top