Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,867 total views

Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu ng extrajudicial killings na iniuugnay sa drug war campaign ng nakalipas na administrasyong Duterte.

“To those who are aspiring for the police force, be sure to have that conviction that you are ready to serve the country, serve God, serve our people, our community, and also to the best of your values, because in the end, ito ang magpapabago ng mukha, ng anyo ng ating society. Because you are there the enforcer, the law enforcer,” ayon kay Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa Obispo, nararapat taglay ng mga aspiring law enforcer ang bokasyon na ipatupad ang kabutihin hindi ang kasamaan. “Anong ibig sabihin, you have to have that force-hindi evil force but the good force that’s in you, the good intention, the good values that you have embraced.”

Ilang mga matataas na opisyal ng pulisya na isinasangkot sa EJK si retired Police Colonel Royina Garma, dating CIDG-11 head at NAPOLCOM commissioner Edilberto Leonardo, gayundin si dating PNP Chief at ngayo’y senador na si Ronald Dela Rosa.

Umaasa din ang obispo na ang isinasagawang pagdinig ng Quad Comm ng Mababang Kapulungan ay magbibigay ng liwanag sa mga usapin, at hindi para lamang para sa interes ng iilan.
Ayon pa sa obispo, “I believe ito yung makakatulong not only in aid of legislation, but also for the police ranks. Ito ay, para sa akin ay malaking tulong ito, parang a wake-up call for them. Na ito ang, ano ng taong bayan, na dapat ang kapakanan ng taong bayan, hindi lang doon sa personal or vested interest ng sinuman.”

Ang Military Ordinariate of the Philippines ay isang personal na ordinaryatong katoliko na itinatag upang magsilbi sa mga kasapi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay may espesyal na tungkulin na maglaan ng espirituwal na pangangailangan at pastoral na pag-aaruga para sa mga miyembro ng militar, kanilang mga pamilya, at iba pang mga taong nagtatrabaho sa mga nabanggit na ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 37,038 total views

 37,038 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,190 total views

 60,190 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,304 total views

 130,304 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,918 total views

 204,918 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,282 total views

 282,282 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top