Tularan ang gawain ng mga misyunerong santo, paalala ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,790 total views

Patuloy na hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging instrumento upang maakay ang kapwa tungo kay Hesus.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni Apostol San Bartolome sinabi ng cardinal na dapat tularan ng mga kristiyano ang gawain ng mga misyonero na himukin at ipakilala sa mamamayan si Hesus tulad ng paghahanap noon ni Natanael o Apostol Bartolome.

Sa pagninilay ng arsobispo sa misang pinangunahan sa San Bartolome de Novaliches Parish inaanyayahan nito ang mananampalatayang hanapin si Hesus at manahan sa kanyang pag-ibig.

“Nawa’y magsikap tayo araw-araw na naising matagpuan si Hesus, upang maranasan ang kanyang pagmamahal at biyaya at upang sundin at mahalin siya, at kapag nakita na natin si Hesus, hikayatin natin ang marami pang iba na sumunod din sa kanya,” ani Cardinal Advincula.

Batid ni Cardinal Advincula na marami ang katulad ni San Bartolome na nagnanais makita at makilala si Hesus kaya’t nararapat na ang bawat binyagan ay kilala si Hesus upang mahimok ang kapwa na sundin ang landas na kanyang tinatahak.

Umaasa si Cardinal Advincula na magkaisa ang mananammapalataya sa mga gawaing pagmimisyon bilang pamayanang kristiyano sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga gawain ng parokya.

Katuwang ng cardinal sa pagdiriwang Banal na Eukaristiya si Fr. Albert Delvo ang kasalukuyang kura paroko ng parokya kasama si Parochial Vicar Fr. John Harvey Bagos at ilang pari ng Diocese of Novaliches lalo na ng Vicariate of San Bartolome.

Dumalo sa pagdiriwang ang nasasakupang pamayanan ng parokya gayundin ang iba pang sektor na bahagi ng San Bartolome de Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 51,023 total views

 51,023 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 46,892 total views

 46,892 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 83,094 total views

 83,094 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 91,698 total views

 91,698 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 116,709 total views

 116,709 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top