Tulungang magbalik-loob sa pananampalataya ang mga nawawalan ng pag-asa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,029 total reads

Ito ang mensahe ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care executive secretary, Camillian Father Dan Cancino, hinggil sa patuloy na suliranin ng bansa sa pagtugon sa mental health.

Ayon kay Fr. Cancino, karamihan sa mga taong nakakaranas ng anxiety at depression ay ang mga kabataan dahil sa epekto ng teknolohiya.

Paliwanag ng pari na bagamat kaakibat na ng buhay ang teknolohiya, nagiging hadlang din ito sa pagkakaroon nang maayos na ugnayan sa kapwa lalo na sa pamilya.

“Nagkukulang tayo ng personal na ugnayan sa isa’t isa. Epekto rin ito ng komunikasyon. Ang ating komunikasyon ay nadadaan na lang sa mga mobile or online applications. May advantage talaga ‘yung mga apps ngunit nawawala ‘yung koneksyon bilang tao—tao sa tao, puso sa puso. Kaya tuloy marami sa ating mga kabataan o kapanalig ang nagkakaroon ng anxiety o depression,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Inihayag din ni Fr. Cancino na karamihan sa mga tao ay nakakaligtaan nang pagyabungin ang buhay-pananampalataya dahil itinutuon ang sarili sa pagpapabuti ng pisikal na katangian.

Sinabi ng pari na higit na mahalaga ang pagpapatatag ng pananampalataya sa Panginoon dahil ito’y nagsisilbing gabay upang mas maunawaan ng bawat isa ang mga plano ng Diyos at ang kahalagahan ng buhay.

“Pinakamahalaga ay ‘yung espiritwal na buhay natin. Nafo-form natin ‘yung katawan, ang dami nating mga gym at vitamins pero paano natin alagaan ‘yung ating spiritual life? Hindi nalalayo ang mental health doon sa nurturing of faith—pagpapalalim ng ating buhay pananampalataya,” saad ni Fr. Cancino.

Ibinahagi naman ng opisyal ng CBCP ang tungkulin ng simbahan na mapawi at baguhin ang mga nakasanayang gawi na nakakaapekto sa pakikitungo sa mga nakakaranas ng pagkabalisa at labis na kalungkutan.

Ayon kay Fr. Cancino, pinapalaganap ng komisyong pangkalusugan ng simbahan ang mga pagsasanay sa bawat diyosesis at parokya hinggil sa mental health.

Sinabi ng Pari na sa ganitong paraan ay mapagtutuunan ang mga nangangailangan ng makakausap upang damayan sa paglalakbay sa dilim at muling matagpuan ang liwanag ng pag-asang hatid ng Panginoon.

“Sa pakikipag-usap ay madi-diskubre nila ang kagandahan ng ugnayan sa Diyos, buhay pananampalataya, pagdarasal, interpersonal relationship, at pagkakaroon ng kaibigang personal hindi lang virtual friend. Hindi ka namin pababayaan, meron kang kasama sa paglalakbay,” ayon kay Fr. Cancino.

Sa mga nakakaranas ng mental health crisis, makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health sa landline sa mga numerong 1553 o sa mobile sa 0917-899-8726 at 0966-351-4518 para sa Globe at TM subscribers, at 0908-639-2672 para naman sa mga Smart, Sun, at TNT subscribers.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 114,975 total reads

 114,975 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 146,704 total reads

 146,704 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 248,530 total reads

 248,530 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 289,089 total reads

 289,089 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 304,699 total reads

 304,699 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,150 total reads

 139,150 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top