Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tumaas na bilang ng vigilantism sa war on drugs, kinondena

SHARE THE TRUTH

 259 total views

Kinondena ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila ang patuloy na nagaganap na extra-judicial killings at vigilantism sa war on drugs ng Duterte administration.

Binigyan diin ni Father Atillano “Nonong” Fajardo – Head ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila na dapat manaig ang due process o proseso ng paglilitis sa ilalim ng batas bilang pagbibigay halaga at paggalang sa dignidad ng isang akusado.

Bukod dito, nagpaabot rin ng panalangin ang pari para sa mga kaluluwa ng mga nasawi at kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

“The Public Affairs Ministry of the Archdiocese of Manila denounces all extrajudicial killings happening in the whole country done by men in uniform, by vigilantes, and other groups conducted under the baton of the maestro. We uphold due process of law and the dignity of human life. Let us include in our prayers the souls of all the victims,”pahayag ni Fajardo sa Radio Veritas.

Nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sinumang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas.

Samantala, ibinunyag ng Philippine Alliance of Human Rights Advocate na mahigit sa 250-indibidwal na napapaslang sa war on drugs taliwas sa datos ng Philippine National Police na mahigit sa 100-kaso lamang ng drug related killings sa bansa ang kanilang naitala.

Matatandaang unang binigyang diin ng Task Force Detainees of the Philippines na ang vigilantism o ang sariling paghahatol at pagpaparusa sa mga lumabag sa batas ay isang banta sa kalayaan at demokrasya ng isang bansa na maaring mauwi sa diktaturya.

Sa record ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hanggang nitong September ng 2015, nasa 46, 276 ang nakakulong na may kaso may kinalaman sa iligal na droga.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 12,054 total views

 12,054 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 26,765 total views

 26,765 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 39,623 total views

 39,623 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 113,858 total views

 113,858 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 169,512 total views

 169,512 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567