Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tunay na Yaman ng Bayan: ang mga Bata

SHARE THE TRUTH

 522 total views

Ang early childhood care and development ay isa sa mga serbisyo para sa mga bata na dapat pa nating inaangat sa ating bayan. Ang early childhood, kapanalig, ay kritikal na yugto ng buhay ng tao. Dito sa ating bansa, ang yugto na ito ay kadalasang hindi masyadong nabibigyang importansya dahil marami sa atin, iniisip na kasama naman lagi ng bata ang kanyang nanay. Sa nanay natin binubuhos lahat ng responsibilidad sa early childhood care and development – at sa kanya din natin binubuhos ang sisi kapag may kulang dito.

Ang early childhood care and development ay tumutukoy sa physical at psychosocial development sa mga unang taon ng bata. Kapag maganda ang development ng mga bata sa yugto na ito, mas maganda ang performance ng mga bata sa paaralan at mas makakapag-develop sila ng mga kasanayan na magiging building blocks hindi lamang para sa kasaganahan ng kanilang sariling buhay, kundi pati ng bayan. Mas naabot ng mga bata ang kaganapan ng kanilang potensyal at pagkatao kung sa kanilang mga unang taon pa lamang ay natutukan na sila. Kung susuruin mo kapanalig, ang maayos na early childhood development care ay instrumento sa higit na pagkapantay-pantay sa bayan – isang hakbang tungo sa panlipunang katarungan.

Kaya lamang, ang early childhood development care ay hindi natutukan, lalo na sa mga kanayunan sa ating bansa. Malaki din ang naging epekto ng pandemic dito. Ngayong nagno-normalize na ang buhay sa bansa, maiging matutukan naman sana ulit ito sa ating bayan. Napakahalagang magawa natin ito dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng bata at ng bansa. Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang mensahe sa 47th Social Week for Italian Catholics noong 2013:  A population that does not take care of the elderly and of children and the young has no future, because it abuses both its memory and its promise.

Para ating maisakatuparan ito, dapat maging pangunahing prayoridad ang early childhood care and development. Mahalagang mas marami tayong batang maabot sa ating bayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga preschool at day care centers. Dapat may sapat na guro at propesyonal na aagapay dito, sabay ng pagsasaayos ng mga curriculum at mga komprehensibong programa na kasama ang iba’t ibang aspeto tulad ng kognitibo, pisikal, sosyal, at emosyonal.

Kailangan ding bigyan ng suporta sa mga magulang at pamilya. Ang mga magulang ay ang mga unang guro at tagapag-alaga ng mga bata, kaya mahalaga na mabigyan sila ng kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga at pagdidisiplina. Dapat magkaroon ng mga programa at serbisyo na naglalayong tulungan at gabayan ang mga magulang sa kanilang papel bilang tagapag-alaga ng mga anak.

Ang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata ay hindi rin dapat ipagwalang-bahala. Kinakailangang tiyakin na ang mga bata ay nakakakuha ng maayos na nutrisyon, regular na check-up, at kumpletong bakuna. Ang pangangalaga sa kanilang kalusugan ay may malaking epekto sa kanilang pangkalahatang pag-unlad at kakayahan sa pag-aaral.

Lagi nating sinasabi na ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Napapaligiran tayo ng mga katawang tubig at napakaganda ng ating mga kagubatan at kabundukan. Pero kapanalig ang tunay na yaman ng ating bayan ay ang tao, lalo na ang ating mga kabataan. Kaya sana, atin silang pangalagaan. Sila ang magmamana ng ating bayan, at sa kanilang kamay, mas maaari pang tunay na umunlad ang bayan. Ngunit kapanalig, mangyayari lamang yan kung ating titiyakin ang kaayusan ng serbisyo at kalingang ibibigay natin sa kanila, simula pa lang ng kanilang kamusmusan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 21,108 total views

 21,108 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Kinabukasan

 25,336 total views

 25,336 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,289 total views

 29,289 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,389 total views

 37,389 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,356 total views

 55,356 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Functional Literacy Crisis

 21,109 total views

 21,109 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kinabukasan

 25,337 total views

 25,337 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 29,290 total views

 29,290 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabagong Makapili?

 37,390 total views

 37,390 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 55,357 total views

 55,357 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 84,373 total views

 84,373 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pekeng sakripisyo

 104,937 total views

 104,937 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 86,862 total views

 86,862 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pope Francis

 97,643 total views

 97,643 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Good News

 108,699 total views

 108,699 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trend

 72,561 total views

 72,561 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maiingay na lata

 60,990 total views

 60,990 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Edukasyon at kahirapan

 61,212 total views

 61,212 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pasko ng Muling Pagkabuhay at eleksyon

 53,914 total views

 53,914 total views Mga Kapanalig, maligaya at mapayapang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus! Wika nga sa Mateo 28:6, “Wala siya [sa libingan], nabuhay Siyang muli.”

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pambabastos sa kababaihan

 89,459 total views

 89,459 total views Mga Kapanalig, kabi-kabila ngayon ang naririnig nating pambabastos sa kababaihan sa pangangampanya ng mga pulitiko. Parang angkop na tawagin silang trapo—hindi dahil traditional

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top