Tuwangan ninyo ang inyong kura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,552 total reads

Ito ang habilin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mananampalataya ng Our Lady of the Assumption Parish sa Malate Manila sa pagluklok kay Fr. Hans Magdurulang bilang ika – 12 Kura Paroko.

Batid ng cardinal ang mga kaakibat na hamon sa pagpapastol ng parokya kaya’t mahalaga ang panalangin at suporta ng nasasakupang kawan upang maging matagumpay sa misyon at gawaing pagpapastol.

“I-ambag ninyo ang mga kakayahan at panahon para sa pagtataguyod ng simbahan. Bilang inyong ama dito sa parokya, bahagi siya ng inyong pamilya at ng inyong buhay. Mahalin at ingatan ninyo siya sa pamamagitan ng inyong pakikiisa sa kanya, pagsuporta sa mga gawain at programa ng parokya, at pagtulong sa kanyang magampanan ang kanilang mga responsibilidad bilang inyong kura paroko,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na sa pagbubuklod ng pamayanan ay mapagtagumpayan ang anumang hamong kakaharapin kung patuloy na dadaloy ang biyaya ng Diyos sa buong pamayanan kung nanatiling bukas ang puso sa pagtutulungan.

Pakiusap ni Cardinal Advincula na mahalin at pakaingatan ang itinalagang pastol gayundin ang patuloy na panalangin sa dating kura paroko na si Fr. Domingo Asuncion na nasa banig ng karamdaman.

Hiniling din ng arsobispo sa pamayanan ang pang-unawa lalo na sa pagkakataong mangibabaw ang kahinaan ng pari bilang tao.

“Unawain ninyo ang kanyang mga kahinaan. At paalalahanan nang may pagmamahal kung mayroon siyang pagkukulang,” ani Cardinal Advincula.

Ginanap ang pagluluklok kay Fr. Magdurulang nitong August 15 kasabay ng pagdiriwang sa 72nd Fiesta Mass ng parokya sa Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria.

Humiling ng panalangin si Fr. Magdurulang sa panibagong misyon kung saan makalipas ang 15 taon ng pagiging pari ito ang kauna-unahang pagkakataon na mamuno sa isang parokya.

Umaasa ito ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pamayanan upang higit na lumago ang misyon at pananampalatya sa pamamagitan ng mga programang pastoral gayundin ang mga gawaing espiritwal.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 41,283 total reads

 41,283 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 194,971 total reads

 194,971 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 229,644 total reads

 229,644 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 245,544 total reads

 245,544 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 282,031 total reads

 282,031 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 289,009 total reads

 289,009 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top