Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ugnayan ng VPS at simbahan, palalakasin ng bagong chairman ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

 38,288 total views

Opisyal ng ipinasa ni Legazpi Bishop Joel Baylon- outgoing chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care ang posisyon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio bilang chairman ng kumisyon.

Sa kanyang mensahe nagpaabot ng pasasalamat si Bishop Baylon sa lahat ng kanyang mga nakatuwang sa paglilingkod sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa loob ng nakalipas na 6 na taon o tatlong termino sa katungkulan.

Ayon kay Bishop Baylon, mahalaga ang tulong at partisipasyon ng bawat isa upang maisakatuparan ang misyon ng kumisyon na maipadama sa mga Persons Deprived of Liberty ang habag, awa at pagmamahal ng Panginoon sa kabila ng kanilang mga nagawang pagkakasala sa buhay.

“I have been privileged to have people these lay people volunteers and staff members ng commission na nag-commit talaga. I found my tasks very easy to bear because they have been there committed walang gaanong remuneration ito karamihan sa kanila volunteers pero committed talaga sila so napadali yung trabaho ko, and I’m sure Bishop Oscar will have the same people and sana mas dumami pa para mas maging magaan yung ano (pagsakatuparan ng mission), I hope for the best for him.” Ang bahagi ng pahayag ni Bishop Baylon sa Radio Veritas.

Samantala, tiniyak naman ni Bishop Florencio ang pagpapatuloy sa mga nasimulan ni Bishop Baylon sa nakalipas na anim na taon sa katungkulan bilang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care.

Kabilang sa planong tutukan ng Obispo ang higit na pagpapaigting sa ugnayan ng mga Volunteers in Prison Service na naglilingkod para sa mga PDLs at mga lingkod ng Simbahan kabilang na ang mga pari at Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis.

“Unang una hindi siguro ako makakapangako ng marami at mabibigat na mga bagay siguro ang unang gagawin ko is ituloy lamang kung anong mga best practices ng naunang chairman at saka commission ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, pangalawa siguro sisikapin ko din na magkaroon ng istruktura upang hindi lang ngayon, hindi lang bukas, istruktura upang matulungan ng masinsinan yung mga kapatid natin yung PDLs. Ang ibig kong sabihin unang una ay makipag-ugnayan siguro ng masinsinan hindi lang yung mga VIPS but mga pari din at saka bishops.” Pahayag naman ni Bishop Florencio.

Naganap ang formal turn-over ceremony ng chairmanship ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care kasabay ng huling araw ng 12th General Assembly of Chaplains and Volunteers in Prison Service sa Angels Hills Retreat & Formation Center, Tagaytay City noong ika-17 ng Nobyembre, 2023 na nagsimula noong ika-13 ng Nobyembre, 2023.

Samantala, mananatili naman bilang executive secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care si Rev. Fr. Nezelle O. Lirio.

Batay sa tala, umabot sa mahigit 250 ang bilang ng mga delegadong chaplains at Volunteers in Prison Service mula sa iba’t ibang diyosesis na nakibahagi sa limang araw na pagtitipon kung saan kabilang sa bilang na ito ang mahigit 40 ng mga Pari habang mahigit naman sa 10 ang mga religious sisters.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 4,821 total views

 4,821 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 17,961 total views

 17,961 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 23,934 total views

 23,934 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 29,689 total views

 29,689 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 36,951 total views

 36,951 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, nanawagan sa mga mag-asawa na patatagin ang matrimony ng kasal

 1,626 total views

 1,626 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga mag-asawa at pamilya na huwag sumuko sa isa’t isa at sa kanilang pangakong sinumpaan sa harapan ng Diyos at kanilang mga mahal sa buhay. Ito ang bahagi ng panawagan ni Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones – CBCP Regional Representative for

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Peace talks sa komunistang grupo, panawagan ng CLPI kay Pangulong Marcos

 3,720 total views

 3,720 total views Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Council of Leaders for Peace Initiative (CLPI) na isang grupo ng mga indibidwal na bigyang prayoridad ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa bansa. Ito ang panawagan ng grupo na kinabibilangan din ng ilang Obispo ng Simbahang Katolika sa ikatlong State of the Nation Address ni

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 9,151 total views

 9,151 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 9,316 total views

 9,316 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Divorce forum, itinakda ng Diocese of Novaliches

 7,417 total views

 7,417 total views Aktibong kumikilos ang Family and Life Commission ng Diocese of Novaliches upang mapalawak ang kamalayan ng mga Pilipino sa kasagraduhan ng kasal at pagpapamilya. Para lalong maunawaan ang negatibong epekto sa pagsasabatas ng divorce ay magsasagawa ng Forum on Absolute Divorce Bill na may titulong “Understanding God’s Plan on Marriage and Family” ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 13,353 total views

 13,353 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 14,201 total views

 14,201 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 14,555 total views

 14,555 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 26,985 total views

 26,985 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Harrassment sa mga residente ng Mariahangin island, ikinabahala ng Obispo

 12,674 total views

 12,674 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Princesa sa Palawan para sa kapakanan ng mga residenteng naninirahan sa isla ng Mariahangin sa Bayan ng Balabac, Palawan. Ibinahagi ni Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona ang pagkabahala sa mga ulat ng pang-ha-harass ng ilang armadong grupo sa mga residente ng isla upang lisanin ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong arsobispo ng Archdiocese of Caceres, ginawaran ng pallium ng Santo Papa

 13,232 total views

 13,232 total views Personal na ginawaran ni Pope Francis ng Pallium ang 42 mga bagong arsobispo mula sa iba’t ibang bansa kabilang na ang nag-iisang Pilipino na bagong arsobispo ng Arkidiyosesis ng Caceres na si Archbishop Rex Andrew Alarcon. Naganap ang paggagawad ng Pallium sa St. Peter’s Basilica kasabay ng pagdiriwang ng Banal na Misa para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 19,835 total views

 19,835 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 18,947 total views

 18,947 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas, panawagan ng mga Obispo

 14,363 total views

 14,363 total views Nanawagan ng sama-samang pananalangin ng Santo Rosaryo ang mga obispo ng Simbahang Katolika upang ipanalangin ang proteksyon at kapayapaan ng Pilipinas kaugnay sa pilit na inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Bilang tugon sa patuloy na pag-igting ng tensyon na kinahaharap ng bansa partikular ng mga Pilipinong mangingisda at hukbong dagat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 23,413 total views

 23,413 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top