Unang anibersaryo ng Healing Church of the Risen Christ, ginunita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,824 total views

Muling nagpasalamat si healing priest, Fr. Joey Faller sa mga mabubuting pusong tumulong upang maipatayo ang Healing Church of the Risen Christ sa Kamay ni Hesus sa Lucban, Quezon.

Kasabay ito ng unang anibersaryo ng pagtatalaga sa bahay-dalanginan na ipinagdiwang sa pamamagitan ng Misa pasasalamat na pinangunahan ni Lucena Bishop Mel Rey Uy.

Ayon kay Fr. Faller, maituturing na biyaya ng Diyos ang makapagpatayo ng simbahan upang tanggapin ang mga mananampalatayang naghahangad ng kagalingan mula sa Panginoon.

“Talagang napakahirap magpagawa ng simbahan sa panahon ng pandemya, na wala kang koleksyon, walang taong sumisimba, at talagang ito ay itinayo ng mga may karamdaman para sa mga may karamdaman,” pahayag ni Fr. Faller sa panayam ng Radio Veritas.

Tinagurian bilang healing dome, ang Healing Church of the Risen Christ ay natapos at itinalaga noong November 21, 2022, at mayroong kakayahang tumanggap ng higit 1,000 mananampalataya.

Hinikayat naman ni Fr. Faller ang mga mananampalataya na dumalaw at magsimba sa healing dome upang tanggapin ang biyaya at kagalingan ng Panginoon.

“Mga kapanalig, manalig kayo na may magandang plano ang Diyos sa inyo. Manalig kayo na mahal kayo ng Diyos. Manalig kayo na kaya kayong pagalingin ng Panginoon ano man ang inyong mga karamdaman, ano man ang inyong pinagdaraanan. Pumunta lang po kayo rito at damhin ang pagpapagaling ng Panginoon. Walang imposible sa Panginoon. Manalig ka, pinagaling ka dahilan sa iyong pananalig,” ayon kay Fr. Faller.

Araw-araw, tuwing alas-nuebe ng umaga ay isinasagawa sa Kamay ni Hesus ang Healing Mass sa pangunguna ni Fr. Faller.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 31,059 total views

 31,059 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 59,064 total views

 59,064 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 76,864 total views

 76,864 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 75,661 total views

 75,661 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 185,808 total views

 185,808 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,108 total views

 11,108 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top