Vote buying noong May 2022 national at local elections, kinundena ng Diocese of Calbayog

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

Kinondena ng 25-pari ng Diyosesis ng Calbayog ang mga naganap na kaguluhan, kalituhan at bilihan ng boto noong nakalipas na halalan partikular na sa Western Samar.

Sa pamamagitan ng isang pahayag ay nagkaisa ang 25-pari ng diyosesis na ibahagi ang kanilang mga naranasan at nasaksihan na mga iregularidad noong nakalipas na 2022 National and Local Elections noong ika-9 ng Mayo, 2022.

Ayon sa nakakaisang pahayag ng 25-pari ng diyosesis, bahagi ng kanilang prophetic mission bilang mga lingkod ng Simbahan ang manindigan laban sa mga maling nagaganap sa lipunan upang magsilbing gabay ng bawat mamamayan at maging ng mga bagong halal na opisyal ng bayan sa pamamahala sa bansa.

“As the newly-elected officials of our national and local government are about to begin their term of office, we as individual priests would like to make a statement regarding our experiences, observations and reflections on the May 9, 2022 national and local elections. We do this as a part of our prophetic mission as ordained priest of the Diocese of Calbayog. As pastors and formators of our parishioners, we have the duty to teach not only the revealed truths of our faith and the proper worship of God, but also the moral values that should characterize our Christian communities,” bahagi ng pahayag ng 25-pari ng Diyosesis ng Calbayog.

Tinukoy ng mga pari ang talamak na vote-buying, pananakot at pagbabanta sa mga botante, at pagkawala sa listahan ng mga botante dahilan upang marami ang hindi makaboto.

Iginiit ng mga Pari ng Diyosesis ng Calbayog na hindi katanggap-tanggap ang pagsasawalang bahala at pambabalewala sa kasagraduhan ng halalan na isang mahalagang aspekto sa isang demokratikong bansa.

Partikular namang nanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga pari ng diyosesis upang agad na gumawa ng hakbang para masolusyunan at mawakasan na ang iba’t ibang maling kaugalian tuwing sasapit ang halalan sa bansa.

“We call on the proper authorities, especially the COMELEC, to address this illegal and immoral practice and to use all its powers provided by the law to minimize if not put an end to it. There should be stricter implementation of the law as to prevent the rampant vote-buying in future elections. Utmost secrecy and confidentiality should be maintained in the casting of votes in ballots in all precincts, including those in far-flung barangays,” dagdag pa ng 25-pari ng Diyosesis ng Calbayog.

Hinikayat din ng mga Pari ang bawat isa na higit na maging makabayan sa pamamagitan ng ganap na pagiging matapat at mapagbantay sa mga nagaganap sa lipunan gayundin ang tuwinang pananalangin para sa katapatan sa tungkulin ng bawat opisyal ng bayan.

 

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,297 total reads

 5,297 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,425 total reads

 5,425 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,492 total reads

 10,492 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,898 total reads

 66,898 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,400 total reads

 190,400 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,351 total reads

 275,351 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top