Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

VP Duterte, hinimok ng Pari na harapin at linawin ang alegasyon ng korapsyon sa publiko

SHARE THE TRUTH

 13,259 total views

Nanindigan ang Simbahan sa pagtanggol ng moral na prinsipyo, katarungan, at kapakanan ng mga walang boses sa lipunan kasunod ng paghahain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Rev. Fr. Joel Saballa, Deputy Executive Director ng Caritas Novaliches, ang hakbang ng Simbahan ay hindi pakikialam sa pamamahala ng gobyerno kundi isang panawagan para sa pananagutan at integridad sa paggamit ng pondo ng bayan.

“Ang Simbahan ay hindi naghahangad po na makialam sa pamamahala ng gobyerno, kundi yung pagtatanggol ng prinsipyo po ng moral at kapakanan po ng mga voiceless ng ating lipunan. Ang pagluhog po namin ay hindi politikal, kundi pag-alaala doon sa supposed to be na gagamitin para sa mga bata; ginamit nila sa ano—sa mga kabalbalan. Do’n po tayo—yung prinsipyo po ng pagkapantay-pantay ng hustisya,” pahayag ni Fr. Saballa sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng Pari, ang paghahain ng reklamo ay isang panawagan na pairalin ang prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng hustisya, anuman ang katayuan sa lipunan o posisyon sa pamahalaan.

Hinimok din ni Fr. Saballa ang Pangalawang Pangulo na gamitin ang pagkakataong ibinibigay ng Saligang Batas upang harapin ang mga alegasyon at linawin ang mga isyu sa publiko.

“Sana sa Vice President [Sara Duterte] gamitin mo’ng pagkakataon na ito, oportunidad na ibinibigay sayo ng konstitusyon legally. At sana gamitin mo ito upang ipaliwanag mo [ang mga alegasyon ng katiwalian] gamitin pagkakakaton [upang] linawin mo sa mga tao na yung mga akusasyon sa iyo ay mga walang basehan,” aniya.

Binigyang-diin ng Caritas Novaliches na ang paninindigang ito ng Simbahan ay nakaugat sa misyon nitong ipagtanggol ang dignidad ng tao, isulong ang katotohanan, at panatilihing buhay ang diwa ng pananagutan sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Epal no more

 49,735 total views

 49,735 total views Mga Kapanalig, may tatanggalin na sa gobyerno—ang mga epal! Ito ay matapos maglabas ang Department of the Interior and Local Government (o DILG)

Read More »

Krisis sa pangingisda

 73,261 total views

 73,261 total views Mga Kapanalig, may krisis na kinakaharap ang sektor ng pangingisda sa bansa.  Taun-taon, tinatayang 45 milyong kilong isda ang nawawala sa ating karagatan.

Read More »

Disiplina sa Kongreso

 90,988 total views

 90,988 total views Mga Kapanalig, sa botong 238 na pabor, 10 na tutol, at 9 na abstain, nagpasyang muli ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin

Read More »

ISANG MILYONG PISO KADA ARAW

 167,869 total views

 167,869 total views Kapanalig, ang masakit na katotohanan… ang isang karaniwang manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay sumasahod lamang ng 695-pesos kada araw at mababa

Read More »

BAD ECONOMICS

 188,769 total views

 188,769 total views Kapanalig, (9) na taon ng patuloy sa pagbagsak ang ekonomiya ng Pilipinas. Kapag bagsak ang ekonomiya, dumarami ang naghihikahos na mga Pilipino, maraming

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 33,005 total views

 33,005 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »
Scroll to Top