Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 915 total reads

Kapanalig, tatlong bulkan sa ating bansa ngayon ang nag-aalburoto. Ang Bulkang Kanlaon, Mayon, at Taal ay nasa iba ibang alert levels ngayon. Ang pangyayaring ito ay isa lamang sa mga patunay na ang ating bansa ay bulnerable sa mga disasters mula sa mga natural na kalamidad.

Sa katunayan, nitong nakaraang taon, number 1 ang ating bansa sa World Risk index 2022 bilang most disaster prone country sa buong mundo. Kasama natin sa top ten ang India, Indonesia, Colombia, Mexico, Myanmar, Mozambique, China, Bangladesh, at Pakistan.

Kapanalig, maraming dahilan kung bakit bulnerable ang ating bayan sa iba’t ibang sakuna. Maliban sa mga pagputok ng bulkan, mga benteng bagyo ang dumadaan sa ating bayan kada taon, at bawat isa dito ay maaaring magdala hindi lamang ng malakas na hangin kundi malakas na ulan, baha, pati pagguho ng lupa.  At dahil tayo din ay nasa ring of fire, madalas din ang lindol pati pagsabog ng bulkan. At sa harap ng mga bantang ito, marami pa sa ating bayan ang naghihirap, na siya pang nagpapalala ng mga epekto ng mga sakunang mula sa mga natural hazards.

Ano ba ang maaaring gawin ng pamahalaan upang mabawasan man lang ang pagiging bulnerable ng ating bansa laban sa mga sakuna?

Kapanalig, nakikita natin ngayon ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan kapag kailangan nila mag evacuate – gaya ng sitwasyon ngayon ng mga evacuees mula sa paanan ng Bulkang Mayon. Kahit pa may matatakbuhan sila sa lokal na gobyerno, hirap pa rin ang mga mamamayan sa mga evacuation sites. Karaniwang sa mga paaralan ang takbuhan ng mga bakwit – kung saan sila ay siksikan sa init, nag-aagawan sa tubig at iba pang pasilidad, at umaasa lamang sa mga relief goods at donasyon para sa pagkain habang naghihintay na makabalik sa kanilang mga tahanan.

Ganyan ang siklo sa buhay ng mga bakwit kada kailangan nilang tumakbo mula sa banta ng sakuna. Ang masaklap, tumatakas sila sa isang sakuna tungo naman sa mga panibagong problema na kailangan nilang pagdaanan habang naghihintay na kumalma ang pagputok ng bulkan, o di kaya hagupit ng bagyo at baha. Baka dapat ito ang isa sa mga dapat tutukan ng bayan upang mabawasan ang vulnerability ng marami sa mga sakuna?

Kapanalig, ang ganitong siklo ng bulnerabilidad ay kailangan na nating agarang tugunan. Sa dinadami dami ng sakuna sa bayan, ganito lagi ang sitwasyon ng mga mamamayan, at sa bawat pagtakas sa kalamidad, sa halip na makabawi agad, haharap pa rin sila sa mga panibagong problema. Kawawa dito, kapanalig, lalo na ang mga sanggol, bata, at mga ina. Hindi ito makatarungan. Hindi ito pagmamahal. Sabi nga sa Centesimus Annus: Love for others, and especially for the poor, is made concrete by promoting justice.. Kapanalig, sa gitna ng karangyaan ng buhay ng ating mga pinuno at pulitiko, sa gitna ng kaligtasan ng mga kababayan nating maykaya ngunit bulag naman sa pighati ng iba, nakakalungkot na marami tayong kababayan na walang maayos na mapuntahan kada sinasalakay ng sakuna.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 193,358 total reads

 193,358 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 221,561 total reads

 221,561 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 255,683 total reads

 255,683 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 312,087 total reads

 312,087 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 193,359 total reads

 193,359 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 221,562 total reads

 221,562 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 255,684 total reads

 255,684 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 312,088 total reads

 312,088 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top