Bayanihan para sa mga biktima ng bulkang Mayon, pinuri ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,605 total views

Nagpapasalamat ang dating pinuno ng Diocese of Legazpi Social Action Center sa patuloy na pagmamalasakit sa mga biktima ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

Ayon kay dating SAC Legazpi executive director Fr. Rex Paul Arjona, hindi maikakaila ang pinagdaraanang pagsubok ng mga apektadong residente na sapilitang pinalikas dahil sa banta ng bulkan.

Gayundin ang sakripisyo ng mga kawani ng simbahan lalo na ang SAC Legazpi na nagsisikap upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasa evacuation centers.

“Bagama’t ‘di biro ang hirap ng mga residenteng apektado sa mga evacuation centers, at ang pagod ng ating SAC Legazpi staff, Parish Disaster Response Committees, at maraming volunteers, pero napapagaan ang sitwasyon dahil ramdam namin ang pakikiisa at tulong ng marami nating mga kapatid.” pahayag ni Fr. Arjona sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ng pari na malaki ang kaginhawaang naidudulot ng pagbabayanihan kung saan nagsisikap ang lahat, lalo na ang mga hindi apektado ng Bulkang Mayon upang mabawasan ang pasanin ng mga apektadong pamilya.

Katulad nito ang nasa 50 toneladang humanitarian aid mula sa United Arab Emirates at ipinamahagi sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Gayundin ang apela ni Legazpi Bishop Joel Baylon sa mga parokyang saklaw ng diyosesis na ipamahagi ang ‘Tinagba offerings” bilang karagdagang tulong sa mga nagsilikas na pamilya.

“Dama mo ang pagmamalasakit mula sa mga lokal na komunidad na ‘di gaano apektado ng bulkan, hanggang sa mga donors sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa international.” ayon kay Fr. Arjona.

Batay sa Phivolcs, maaaring tumagal pa ng ilang linggo o buwan ang aktibidad ng Bulkang Mayon na nananatili pa rin sa Alert Level 3 status.
Nakasaad naman sa huling DSWD-DROMIC o Disaster Response Operations Monitoring and Information Center na nasa higit 10-libong pamilya o halos 40-libong indibidwal mula sa 26 barangay ang apektado ng pagliligalig ng Bulkang Mayon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,149 total views

 61,149 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,018 total views

 57,018 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,220 total views

 93,220 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,436 total views

 101,436 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,670 total views

 125,670 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top