Walk for creation, pangungunahan ng Laudato Si’ Movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,557 total views

Inanunsyo ng Laudato Si’ Movement Pilipinas ang panibagong araw para sa isasagawang Walk for Creation bilang bahagi ng pagdiriwang sa Season of Creation 2023.

Gaganapin ito sa Setyembre 15 mula alas-singko hanggang alas-8:30 ng umaga sa Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word sa Quezon City.

Layunin ng gawain na ipabatid ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan, at ang patuloy na pagtupad sa tungkulin ng bawat isa na maging mabubuting katiwala ng sangnilikha ng Diyos.

Maliban sa symbolic walk, bahagi rin ng programa ang fellowship at ecumenical service na pangungunahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs, Philippine Council of Evangelical Churches, at National Council of Churches in the Philippines.

Unang itinakda ang Walk for Creation 2023 noong unang araw ng Setyembre ngunit ipinagpaliban dahil sa patuloy na pag-uulang dala ng hanging habagat na pinalakas ng Bagyong Hanna.

Sinisimulan ang Season of Creation tuwing unang araw ng Setyembre kasabay ng World Day of Prayer for the Care of Creation na inilunsad ni Pope Francis noong 2015.

Karaniwan itong nagtatapos sa Oktubre 4, kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco de Asis, ngunit pinalawig ito sa Pilipinas hanggang ikalawang Linggo ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday bilang pagkilala sa mahalagang tungkulin ng mga katutubo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Tema naman ng Season of Creation 2023 ang “Let Justice and Peace Flow” na hango sa mga kataga ni Propeta Amos.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 43,997 total views

 43,997 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 87,605 total views

 87,605 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 171,232 total views

 171,232 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 185,117 total views

 185,117 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top