The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Memorial of San Roque (St. Rock/Roche), Healer, 16 August 2024
Ezekiel 16:1-15, 60, 63 <*((((>< + ><))))*> Matthew 19:3-12
Photo by author, 15 August 2024.
God our loving Father,
thank you for the gift of personhood,
for your gift of personal relationship
with each one of us;
your servant St. John Paul II
defined a person as a
"full, conscious, relating being."
Very true but sadly,
we never recognize your gift
of personhood,
of our being a person
and its fruit of relationships;
instead of looking into the
heart and soul of every one of us,
we prefer to see each one
in the mind, in the letter,
in the technical than personal:
Some Pharisees approached Jesus, and tested him, saying, “Is it lawful for a man to divorce his wife for any cause whatever?” (Matthew 19:3)
Soften our hearts, Jesus;
take away our stony hearts
and give us natural hearts
that beats with firm faith,
fervent hope in You,
and unceasing charity for everyone.
Forgive us for being so captivated
by our own beauty and prowess,
remove our confusion
and let us be silenced for shame
(Ezekiel 16:15, 63)
to remember your covenant
by appreciating and being open
to your gift of person and relationships
by striving to keep this alive
despite our many flaws and sins.
Amen.
St. Rock,
pray for us so infected
by another kind of pestilence
of pandemic proportion when
we see persons as objects
and make objects like persons.
Amen.
Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Katoliko na isabuhay ang tunay na Kristiyanong pagkakaibigan sa pamamagitan ng mahinahong pag-akay sa kapwa sa halip na pilitin ang kanilang pagbabago.
Ito ang binigyang-diin ng arsobispo sa pagbubukas ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII) sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.
Sa kanyang homiliya, sinabi ng kardinal na ang ebanghelisasyon ay dapat isabuhay sa diwa ng pagtitiis, pagtitiwala sa Diyos at pagtutulungan, na inilarawan niya sa tatlong Marian virtues na hinay-hinay, kanunay, at buligay, na siya ring tema ng PCNE XII na “Sangkay” o pagkakaibigan.
Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang tunay na pagmamahal ay hindi namimilit kundi nag-aakay.
“But Mary reminds us that, in true friendship, love never forces; but simply accompanies. Ang totoong kaibigan ay marunong maghintay, dahil ang paghihintay ay pagmamahal din. Gradualness is a language of love. Sa pagmamahal, hindi minamadali o pinipilit ang tao,” ayon kay Cardinal Advincula.
Ayon sa kardinal, mahalagang matutuhan ng Simbahan ang pamamaraan ni Maria sa pag-akay sa kapwa, lalo na sa mga nahihirapang lumago sa pananampalataya.
“Like Mary, may we learn to accompany our friends rather than control them, to encourage them rather than pressure them, and to trust that God will complete the work he has begun in every heart,” dagdag pa ng arsobispo.
Tinukoy din ni Cardinal Advincula na dumarating sa bawat tao ang yugto ng panghihina sa pananampalataya, bokasyon at mga ugnayan, subalit iginiit na hindi ito dapat maging dahilan upang talikuran ang Diyos.
“When the joy diminishes, or the enthusiasm fades, our first response should not be to give up or walk away, but to turn to Jesus,” aniya.
Ayon pa sa arsobispo, isa sa mga hamon ng kasalukuyang panahon ay ang paghahanap ng panibagong karanasan sa halip na manatiling tapat sa mga pangakong ginawa.
Ipinaalala ni Cardinal Advincula na ang matatag na pananampalataya ay nasusukat sa patuloy na pananalangin, paglilingkod at pagmamahal kahit sa gitna ng karaniwang takbo ng buhay.
Hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na isabuhay ang kultura ng pagtutulungan sa loob ng Simbahan, sa halip na umasa lamang sa iilang tao sa gawaing misyonero. “Christian friendship is never a one-way relationship but a shared journey in which we become instruments of God’s grace for one another,” giit ni Cardinal Advincula.
Iginiit din ng arsobispo na ang pakikibahagi sa misyon ng Simbahan ay bunga ng pakikipagkaibigan kay Kristo at hindi lamang pagtupad sa isang tungkulin.
“Indeed, Jesus has called us to be his friends, not his slaves. We are friends who share in the mission of Jesus, not slaves or employees who labor to impress or please a boss,” ayon pa sa kardinal.
Sinabi ni Cardinal Advincula na ang Simbahang nakaugat sa tunay na pagkakaibigan ay isang pamayanang walang iniiwan at sama-samang nagdadala ng pasanin ng bawat isa. “In a Church that is built on the mutuality of friendship, no one walks alone. We pray for one another, encourage one another, forgive one another, and strengthen one another,” giit ng kardinal.
Ang PCNE XII, na may temang “Sangkay,” ay naglalayong palalimin ang diwa ng Kristiyanong pagkakaibigan bilang landas ng bagong ebanghelisasyon at misyon ng Simbahan sa Pilipinas.
Kabilang sa mga tampok sa unang araw ng pagtitipon ang keynote address ni Naval Bishop Rex Ramirez at ang Heart to Heart talk kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle, pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican.
Reyn Letran - Ibañez
Thursday, July 23, 2026 6:28 pm
12,741 total views
Opisyal na inihayag ng Momentum Research na isang next-generation public opinion research firm ang kauna-unahang National Momentum Survey nito kaugnay sa mga pananaw at saloobin ng mga Pilipino hinggil sa mga pangunahing isyung pambansa.
Kabilang sa mga tinalakay ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang nakatakdang ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos, at ang pre-election preferences para sa 2028 National Elections.
Batay sa resulta ng National Momentum Survey para sa General Pastisanship lumabas na 66.6 na porsyento ang independent o walang sinusuportahan; 16.7% ang suportado sa administrasyon; 13% sa oposisyon; 2.4% ang hindi alam o sigurado; at 1.2% naman ang tumangging sumagot.
Sa Factional Partisanship naman, lumabas na 45% ang independent o walang sinusuportahan; 28.9% ang taga-suporta ng mga Duterte at kaalyado; 12.4% ang oposisyon; at 11% naman ang taga-suporta ng mga Marcos at mga kaalyado nito.
Samantala, sa usapin naman ng kamalayan sa nagaganap na Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte, lumabas na 55.5% ang nabalitaan ang impeachment ngunit hindi gaanong nasubaybayan; 29.1% ang hindi nabalitaan ang impeachment; 12.6% ang nabalitaan at nasubaybayan; at 0.1% naman ang hindi alam o hindi sigurado.
Sa datos na ito pinakamarami ang sumusubaybay sa impeachment trial ng bise president sa metro Manila sunundan ng rest of Luzon, Mindanao at Visayas.
Kabilang din sa mga sinuri ang pananaw ng taumbayan kung dapat bang humarap si Vice President Duterte sa Impeachment Court kung saan lumabas na 44.3% ang naniniwalang lubos na mahalaga ang pagharap ng bise presidente sa pagdinig; 39% ang mahalaga; habang 13.6% naman ang hindi mahalaga.
Kaugnay naman sa pinaka-kapanipaniwalang paratang o article of impeachment laban kay VP Sara, lumabas na 24.2% ang maanomalyang paggamit ng confidential fund; 16.2% ang tangkang pagpatay sa pangulo at iba pa; 11% ang hindi maipaliwanag na yaman; 9.6% ang panunuhol sa mga kawani ng DEPED.
Lumabas rin sa pagsusuri na 36.6% ang nagtitiwala sa Senado bilang Impeachment Court; 35.5% ang hindi nagtitiwala; 12.7% ang lubos na nagtitiwala; 8.5% naman ang hindi alam o hindi sigurado.
Samantala, kaugnay naman sa mga usapin o suliranin na dapat na tutukan sa lipunan lumabas sa pagsusuri na nangunguna sa mga dapat na tutukang usapin ang korapsyon partikular na ang flood control scandal na nakakuha ng 42.6%; sinundan ng trabaho at pangkabuhayan sa 27.9%; presyo ng mga bilihin o inflation sa 23.5%; kahirapan o poverty sa 13.3%; health care sa 12.7%; 11% naman sa edukasyon; 9.8% sa illegal na droga; 8.3% sa agrikultura at food security; 6.5% sa impeachment ng bise president; 5.6% sa presyo ng produktong petrolyo; 5.2% sa peace and order at kriminalidad; at 1.3% sa pabahay.
Ayon sa organisasyon, layunin ng survey na matiyak na maririnig ang boses ng bawat Pilipino habang tinatahak ng bansa ang isang “unprecedented path” sa gitna ng mahahalagang usaping pampulitika.
Reyn Letran - Ibañez
Thursday, July 23, 2026 4:25 pm
13,053 total views
Nagpaabot ng pagbati si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Chairman of the Board ng Radio Veritas Global Broadcasting Inc., sa parangal na tinanggap ng himpilan ng Radyo Veritas mula sa kauna-unahang FAMAS Broadcast Arts Awards 2026 para sa programa nitong Healing Mass sa Veritas na kinilala bilang Best AM Radio Program.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Cardinal ang kanyang pagbati sa pamunuan ng Radyo Veritas sa pangunguna ni Rev. Fr. Roy Bellen na pangulo ng himpilan at sa lahat ng bumubuo sa programa.
“Congratulations to Radyo Veritas, Fr. Roy company for receiving this award from FAMAS,” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.
Hinimok naman ng Cardinal ang lahat ng kawani ng Radyo Veritas na ipagpatuloy ang paglilingkod sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita, lalo na sa mga Kapanalig na patuloy na umaasa sa himpilan para sa espiritwal na gabay at pag-asa.
“And I would like to ask the ones involve this award, the Radyo Veritas, to continue working specially to be able to broadcast the Gospel message especially to our Kapanalig. Maraming salamat po,” Dagdag pa ng Cardinal Advincula.
Ang Healing Mass sa Veritas ay kinilala bilang Best AM Radio Program sa unang FAMAS Broadcast Arts Awards, isang pagkilala sa mahalagang papel ng programa sa paghahatid ng panalangin, pag-asa, at mensahe ng Ebanghelyo sa mga Pilipino sa pamamagitan ng radyo.
Inaanyayahan naman ng pamunuan ng himpilan ang mga tagasubaybay ng Radyo Veritas na personal na makiisa sa Healing Mass sa Veritas sa Radio Veritas Chapel na ginaganap araw-araw tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi, at alas-12 ng hatinggabi.
Para sa pamunuan ng Radyo Veritas, ang parangal ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pang paigtingin ang misyon ng himpilan sa pagiging tinig ng Simbahan at tagapaghatid ng katotohanan sa sambayanang Pilipino.
4,743 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa
33,034 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS
78,964 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas! Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na
112,046 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura
140,064 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang