Youth ministry ng CBCP, pinaalalahanan ang mga mag-aaral na bahagi ng face-to-face class

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 465 total reads

Pinapaalalahanan ng opisyal ng Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mag-aaral na maging maingat dahil sa pananatiling banta ng COVID-19.

Ito ay kaugnay sa inaasahang pagpapalawig ng limited face to face classes sa January 2022.

Mula sa 120 pribado at pampublikong paaralan, karagdagang 20 paaralan ang magsisimula ng face to face classes sa Enero habang ilan pang eskwelahan ang nagsumite na rin sa Department of Education.

Ayon kay Fr. Jade Licuanan, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, mahalagang maunawaan ng mga kabataan ang pag-iingat mula sa nakakahawang sakit sa paggabay na rin ng mga magulang at mga guro ng paaralan.

“So marahil malaking parte ang mga ahensya ng gobyerno, local government maging ‘yung mga pamilya at ‘yung mga kabataan mismo kailangan talagang maging maingat, mapanuri, at matalino sa pagdi-desisyon sa pagsapit ng Enero sa isang posibilidad, ayon sa mga mungkahi nga na mag face-to-face na raw sa eskwelehan,” ayon sa panayam pari sa Radyo Veritas

Personal din nakikiisa si Fr. Licuanan sa panunumbalik ng face to face classes na mas makakabuti sa mga mag-aaral kasabay ng pag-iingat mula sa pandemya.

“Para sa akin po ito, na sana nga magkaroon ng face-to-face for the reason of having a better education or better schooling or studies, so ako para sa akin nandon sa dalawa, ‘yung hindi po pwedeng we just choose one reason over the other, kailangan magkasama sila, ‘yung pag-iingat dahil sa reyalidad ng karamdaman o ng pandemya,” ayon sa Pari.

Batid din ni Fr. Licuanan ang banta ng bagong variant ng Covid-19 na higit pang panawagan sa pag-iingat.

“Kailangan ay maging smart tayo at maging maingat at the same time, bagamat naririto pa rin po ‘yung banta ng COVID-19 lalo pa’t may OMICRON na tayo ngayon at may ilang pag-aaral na nagsasabi na by January nga raw makikita yung pagdami” pagpapabatid ng Pari.

Nangangamba rin ang pari sa ibat-ibang suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral at guro sa mga pagbabagong dala ng “‘New Normal’ Education” dahil sa kakulangan ng mga gadgets tulad ng mga laptop at limitadong internet access.

November 15, 2021 ng simulan ng DepEd and limited face-to-face classes sa unang 100-pampublikong paaralan at 20-pampribadong paaralan na maituturing na nasa mga ‘Low-risk Areas’ mula sa banta ng COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 28,205 total reads

 28,205 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 126,453 total reads

 126,453 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 170,722 total reads

 170,722 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 193,831 total reads

 193,831 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 267,579 total reads

 267,579 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 26,613 total reads

 26,613 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top