Obispo, pinaalalahanan ang publiko: Sundin ang health protocol laban sa Covid-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 359 total reads

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko ngayong Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon ay dapat pa ring mag-ingat tiyakin ang kaligtasan laban sa COVID-19.

Ayon kay CBCP-Health Care Ministry Vice-chairman, Military Bishop Oscar Jaime Florencio na hindi ibig sabihin nang unti-unting pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa kabila ng pandemya ay ganap nang ligtas ang lahat laban sa virus.

Paalala ng obispo na dapat pa ring sundin ng lahat ang mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad nang patuloy na pagsusuot ng face mask at ang social distancing.

“Sundin lang natin siguro ‘yung protocols ng IATF. Ito po ay tested na at nakapagbigay at nakapagdulot naman ng kasaganaan ng ating kalusugan. Siguro naman ito po ay masasabi natin na best practice upang malabanan at mapigilan ang COVID-19 transmission,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa ulat ng OCTA Research Group, bahagyang tumaas ang daily average rate ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa nitong araw ng Pasko.

Sa huling ulat ng Department of Health, naitala ang 433 panibagong kaso ng virus sa buong bansa kung saan umabot naman sa kabuuang bilang na 9,522 ang aktibong kaso.

Habang naitala rin ng DOH ang 283 panibagong bilang ng mga gumaling at 13 naman ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 17,554 total reads

 17,554 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 98,462 total reads

 98,462 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 192,688 total reads

 192,688 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 253,177 total reads

 253,177 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 266,166 total reads

 266,166 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,456 total reads

 70,456 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top