1-milyong piso Taal volcano emergency response, inilaan ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Naglaan ng isang milyong pisong pondo ang Arkidiyosesis ng Lipa sa lalawigan ng Batangas, na gagamitin para sa emergency response effort sakaling tumindi ang pagliligalig ng bulkang Taal.

Ayon sa inilabas na ulat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), patuloy pa rin ang Arkidiyosesis sa paghahanda ng ipapamahaging tulong tulad ng mga pagkain at tubig para sa mga apektadong residente.

Nailikas na rin ang nasa 81 pamilya na binubuo ng 407 indibidwal mula sa permanent danger zone at kasalukuyang nasa evacuation centers sa Barangay Tumaway, Talisay, Batangas.

Nakipag-ugnayan naman ang LASAC sa iba’t-ibang parokya at pamahalaang lokal ng Talisay, San Nicolas, Laurel at Agoncillo para sa maayos na pagsasagawa ng emergency response sakaling pumutok ang Taal volcano.

Samantala, nananatili sa Alert level 1 ang sitwasyon ng bulkang Taal makaarang makapagtala ito ng 185 magkakasunod na pagyanig sa loob ng anim na minuto sa nakalipas na pitong araw.

Ayon sa ulat ng Taal Volcano Monitoring Network, mayroon ding pagtaas sa antas ng acidity at temperatura sa main crater lake.

Pinaalalahanan naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang mga residente na mag-ingat sa mga maaaring idulot ng pagliligalig ng bulkang Taal, gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa pagpunta sa Taal Volcano Island lalo na sa Permanent Danger Zone.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,429 total reads

 4,429 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,941 total reads

 40,941 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,347 total reads

 97,347 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,802 total reads

 220,802 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 176,119 total reads

 176,119 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top