Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

10.8-milyong indibidwal sa Ecclesiastical Province of Manila, nabiyayaan ng tulong ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 1,284 total views

May 15, 2020, 1:25PM

Kabuuang 5.1-milyong indibidwal o 905,000-libong pamilya ang nabigyan ng tulong ng Simbahang Katolika o ng mga Diocese at Archdiocese na bumubuo sa Ecclesiastical Province of Manila, mga Church congregations at institutions.

Humigit kumulang sa 162-milyong pisong cash ang nai-release na tulong ng Simbahan sa mga mahihirap na pamilya na naapektuhan ng Enchanced Community Quarantine sa Metropolitan Manila at karatig na lalawigan.

Mabilis na tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng COVID-19 pandemic ang Archdiocese of Manila, Diocese of Antipolo, Diocese of Malolos, Diocese of Cubao, Diocese of Paranaque, Diocese of Imus,Diocese of Kalookan, Diocese of Novaliches, Diocese of San Pablo Laguna,Diocese of Pasig,Vincentian Foundation, Simbahang Lingkod ng Bayan,Tanging Yaman Foundation ng Ateneo, Camillians, Association of Major Religious Superiors of the Philippines at Vides Foundation.

Sa inisyal na datos na nakalap ng Radio Veritas, ang mga nabanggit na diocese,archdiocese at mga church organizations ay nakapagbigay ng kabuuang 6,599 na sakong bigas, 200,756 na Manna bags at relief bags, 5,000 na Ligtas COVID kits, 186, 219 na assorted PPE’s, 13,570 meals, 2,080 na canned goods, mga noodles at mga wash items.

Kabuuang 72 parishes, 29 na group sector ang napagsilbihan ng Archdiocese of Manila sa pamamagitan ng Caritas Manila, 30-parokya at 15 Mission station ang nabigyan ng tulong ng Diocese of Cubao, 71-parishes sa Diocese of Novaliches, 31 parokya sa Diocese of Paranaque, 61 parishes sa Diocese of Imus, 16 parishes sa Diocese of San Pablo, 48 parishes sa Diocese of Antipolo, 14 parishes sa Diocese of Malolos, 12 parishes sa Diocese of Pasig.

6 mission stations naman sa Quezon city ang nabigyan ng tulong ng Vincentian foundation, 100 communities at 96 health institutions ang napagsilban ng SLB/Ateneo, 12 hospital at medical centers kasama ang 10 shelter communities para sa COVID frontliners ang nabiyayaan ng tulong ng Camillians at 100 mission stations ang natugunan ng tulong ng AMRSP.

Ang nai-release na tulong ng nasabing mga church organization, diocese at archdiocese ay bukod pa sa 1.3 bilyong pisong gift checks na ipinamigay ng Caritas Manila sa 5.7-milyong mahihirap na indibidwal sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Ang 1.3 bilyong pisong halaga ng GC ay bahagi ng Project Ugnayan ng Caritas Manila sa mga mayayamang negosyante sa pangunguna ni Jaime Zobel de Ayala.

Sa kasalukuyan, pinaghahandaan ng Simbahang Katolika ang rehabilitasyon sa mga mahihirap na pamilyang lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ginawa ng Simbahang Katolika ang pagtugon sa mga nangangailangan sa kabila ng kakapusan ng pondong pinansiyal dahil sa pagbabawal sa lahat ng gawaing simbahan upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,066 total views

 18,066 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 26,734 total views

 26,734 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 34,914 total views

 34,914 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 30,862 total views

 30,862 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 42,913 total views

 42,913 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Latest News
Arnel Pelaco

Hindi pagdalo ng mga RP ng Kamara, binatikos

 5,177 total views

 5,177 total views Binatikos ng mambabatas sa Mababang Kapulungan ang hindi pagdalo ng mga inanyayahang resource person sa pagdinig ng House Tri-Committee kaugnay sa paglaganap ng

Read More »
Disaster News
Arnel Pelaco

Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine

 8,792 total views

 8,792 total views Bicol region, sinalanta ng bagyong Kristine Nararanasan ngayon sa buong Bicol Region ang malakas na pag-uulang nagdulot na ng pagbaha dahil sa epekto

Read More »
Latest News
Arnel Pelaco

Maghunos-dili at mag-isip-isip.

 71,608 total views

 71,608 total views Nawawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philipines (CBCP) sa mamamayan lalu na sa mga lider ng bansa na maghunos-dili at mag-isip-isip muna

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top