2.4-bilyong global workforce, apektado ng matinding init

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,095 total reads

Natuklasan sa mga pag-aaral ng International Labor Organization (ILO) ang pagtaas ng bilang ng global workforce na lubhang naapektuhan ng climate change o matinding init sa mga lugar ng paggawa.

Ayon sa mga pag-aaral ng ILO, sa buong mundo taon-taon ay umaabot sa 2.4-bilyong manggagawa mula sa 3.4-bilyong global workforce ang nakakaranas ng init kung saan naitala ang 22.87-milyon ang occupational injuries habang mahigit sa 20-libo ang namamatay.

Mula sa 22.87-milyong occupational injuries, 2.09-million naman ang tuluyang nagbago ang buhay sanhi ng mga komplikasyon sa epekto ng labis na init at kung saan 26.2-milyon naman ang apektado ng chronic kidney disease sanhi ng workplace heat stress.

“It is essential that we heed these warnings. Occupational safety and health considerations must be become part of our climate change responses – both policies and actions. Working in safe and healthy environments is recognized as one of the ILO’s fundamental principles and rights at work. We must deliver on that commitment in relation to climate change, just as in every other aspect of work,” mensaheng ipinadala ng ILO sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, iminungkahi ng ILO sa pamahalaan, mga mambabatas at ang mga employer ang paglikha ng mga batas na makakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa kanilang mga trabaho kasabay ng pagkakaroon ng energy efficient measures at mga hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan, mabawasan ang polusyon at epekto ng climate change.

“It’s clear that climate change is already creating significant additional health hazards for workers,” mensahe ng ILO.

Unang nananawagan ang Church People Workers Solidarity sa pamahalaan at employers na magkaroon ng mga polisiyang tutugon upang maibsan ang epekto ng init at el nino phenomenon sa mamamayang Pilipino ngayong summer season.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,588 total reads

 38,588 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,955 total reads

 88,955 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,826 total reads

 136,826 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,774 total reads

 240,774 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,888 total reads

 324,888 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top