Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

4Ps beneficiaries, iimbestigahan ng DSWD

SHARE THE TRUTH

 530 total views

Sisiyasating mabuti ng Department of Social Welfare and Development ang mga pamilyang nakakatanggap ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Ayon kay DSWD under Secretary for Promotive Programs Malou Turalde, magsasagawa ng programang “Kumustahan” ang DSWD kung saan sorpresa nitong bibisitahin ang mga 4Ps beneficiaries at titingnan ang kasalukuyang kalagayan ng kanilang pamilya.

Tiniyak ni Turalde na sa Kumustahan ay masusuri ng DSWD kung tunay na nagagamit para sa pag-aaral at sa kalusugan ng mga miyembro ng pamilya ang pinansyal na tulong mula sa 4Ps.

“Kailangan naming palalimin pa yung pagsusuri dyan, at yan yung isa sa aming patuloy na ginagawa, at ngayon nakapasok sa family development session yung pagpapaabot sa kanila ng mensahe, kailangan malinaw sa kanila yung mensahe na yang cash grant na nakukuha ay dapat ginagamit sa pag-aaral at sa kalusugan ng mga grantees,” pahayag ni Turalde sa panayam sa Programang Veritas Pilipinas.

Ayon kay Turalde, sa kasalukuyan ay may 4.4 na milyong kabahayan na ang nasa ilalim ng programa ng 4Ps.

Bagamat nakatutulong sa mahihirap ang pinansyal na kaloob ng programa, tinutulan naman ng ilang Obispo ang karagdagang 600 piso para sa rice subsidy.

Una nang iginiit ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity na dapat pairalin ang “Work for Food” upang mahikayat ang mamamayan na paghirapan ang kanilang nakukuhang salapi at maiwasan ang kultura ng katamaran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 15,102 total views

 15,102 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 23,202 total views

 23,202 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 41,169 total views

 41,169 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 70,401 total views

 70,401 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 90,978 total views

 90,978 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas NewMedia

Katotohanan, laging nangingibabaw.

 12,968 total views

 12,968 total views Panalangin at Kapayapaan ang ipinaabot ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas matapos na pinawalang bisa ng Department of Justice ang kasong sedisyon laban

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Anti-bastos law, dapat igalang at ipatupad

 12,643 total views

 12,643 total views Pinuri ng Obispo ang pagsasabatas ng Anti-bastos Law na mangangalaga sa mga karapatan at higit na paggalang sa kababaihan. Ayon kay Balanga, Bataan

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Obispo, dismayado sa laganap na vote buying

 12,427 total views

 12,427 total views Ikinatuwa ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Emeritus Edgardo Juanich ang aktibong pagtupad ng mga mananampalataya sa kanilang tungkulin na bumoto ngayong

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

One Good Vote para sa Pilipinas

 12,435 total views

 12,435 total views One good vote ang sagot sa kahirapan, kurapsyon, kabastusan, kasinungalingan at kamatayan. Ito ang binigyang diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, dating Pangulo

Read More »
Politics
Veritas NewMedia

Mga OFW, ligtas sa Kuwait

 12,431 total views

 12,431 total views Sinisiguro ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na maayos ang kalagayan ng mga Overseas Filipino

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top