Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

67 Diyosesis at Arkidiyosesis, makikiisa sa One Trillion Peso march

SHARE THE TRUTH

 8,624 total views

Ibinahagi ng Caritas Philippines na umaabot na sa 67 mga diyosesis at arkidiyosesis mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa, kasama ang maraming relihiyoso, lay organizations, at civic groups, ang nagpahayag ng suporta sa nakatakdang Trillion Peso March.

Nakatakda ang pambansang panawagan para sa katotohanan, pananagutan, at transparency sa ika-30 ng Nobyembre, 2025 sa gitna ng patuloy na usapin ng katiwalian sa lipunan.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang sama-samang pagkilos ay hindi lamang pagtindig laban sa katiwalian, kundi isang panawagang moral para sa katarungan at integridad sa pamamahala ng bayan.

Kabilang sa apat na pangunahing panawagan sa nakatakdang pambansang pagkilos ang Ilantad ang mga criminal; Ibalik ang pera ng bayan; Ikulong ang mga kurakot; at Ipanalo ang sambayanang Pilipinas.

NCR
1. Archdiocese of Manila (Ministries on Labor and Socio-Political Affairs)
2. Diocese of Cubao
3. Diocese of Kalookan
4. Diocese of Pasig
5. Diocese of Novaliches
6. Diocese of Parañaque

LUZON
1. Archdiocese of Caceres
2. Diocese of Libmanan
3. Apostolic Vicariate of Taytay
4. Apostolic Vicariate of Puerto Princesa
5. Diocese of Daet
6. Diocese of Malolos
7. Diocese of Imus
8. Diocese of San Pablo
9. Diocese of Gumaca
10. Diocese of Lucena
11. Diocese of Iba
12. Diocese of San Fernando, La Union
13. Archdiocese of Lipa
14. Apostolic Vicariate of Tabuk
15. Archdiocese of Lingayen-Dagupan
16. Diocese of Antipolo
17. Diocese of Virac
18. Diocese of Balanga
19. Diocese of Ilagan
20. Diocese of Alaminos
21. Apostolic Vicariate of Calapan
22. Diocese of Cabanatuan
23. Diocese of Legazpi
24. Prelature of Infanta
25. Prelature of Batanes
26. Archdiocese of Tuguegarao
27. Diocese of Baguio
28. Apostolic Vicariate of San Jose, Mindoro
29. Archdiocese of San Fernando, Pampanga
30. Diocese of San Jose, Nueva Ecija
31. Diocese of Laoag

VISAYAS
1. Archdiocese of Jaro
2. Diocese of Bacolod
3. Archdiocese of Cebu
4. Diocese of Naval
5. Diocese of Calbayog
6. Diocese of San Jose de Antique
7. Archdiocese of Capiz
8. Diocese of San Carlos
9. Diocese of Talibon
10. Diocese of Dumaguete
11. Diocese of Borongan
12. Diocese of Maasin
13. Diocese of Kabankalan

MINDANAO
1. Archdiocese of Cotabato
2. Diocese of Butuan
3. Diocese of Tandag
4. Diocese of Prosperidad
5. Diocese of Marbel
6. Archdiocese of Davao
7. Diocese of Pagadian
8. Diocese of Dipolog
9. Archdiocese of Ozamis
10. Diocese of Malaybalay
11. Archdiocese of Zamboanga
12. Prelature of Isabela de Basilan
13. Diocese of Mati
14. Diocese of Digos
15. Diocese of Tagum
16. Archdiocese of Cagayan de Oro
17. Diocese of Kidapawan

Pangunahing layunin ng Trillion Peso March na bigyang tinig ang hinaing ng taumbayan at isulong sa mga nasa katungkulan ang pagsasagawa ng malinaw, mabilis, at makatarungang imbestigasyon sa katiwalian sa pondo ng bayan.
Una ng nilinaw ni Bishop Bagaforo na ang paglahok at pagpanig sa katotohanan ng Simbahan ay hindi pagiging politikal, sa halip ay ganap na pagsasabuhay sa Ebanghelyo, lalo na para sa mga maralita at ordinaryong mamamayan na pinakaapektado ng katiwalian

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 94,263 total views

 94,263 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 159,391 total views

 159,391 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 120,011 total views

 120,011 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 181,501 total views

 181,500 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 201,458 total views

 201,458 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top