9-taong pagluluksa ng Our Lady of Hope of Palo, tinapos na ni Archbishop Du

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,047 total views

Ganap nang iginawad ni Palo, Leyte Archbishop John Du ang Episcopal Coronation para sa imahen ng Our Lady of Hope of Palo sa Metropolitan Cathedral of Our Lord’s Transfiguration Parish o Palo Cathedral.

Sa panayam ng Radio Veritas, sinabi ni Archbishop Du na ang pagpuputong ng korona sa mahal na birhen ay hudyat ng pagtatapos ng siyam na taong pagluluksa matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa Eastern Visayas.

November 8, 2013 nang manalasa ang kauna-unahang Super Typhoon sa bansa na pinangalanang Yolanda, na nanalasa sa Eastern Visayas kung saan umabot sa mahigit 6,000 indibidwal ang mga naitalang nasawi.

“It is indeed not just a time of remembrance and prayer but also the end of the cultural practice of the nine-year mourning period for the dead; this means that the celebration among the families of victims will acquire a festive character – the end or final time,” ayon kay Archbishop Du.

Paliwanag naman ng Arsobispo na ang pagpuputong ng korona sa Nuestra Señora de la Esperanza de Palo ay isang biyaya at pinakahihintay na tagpo ng mga mananampalataya ng Palo dahil sa mga nakalipas na taon ay mas pinagtuunan ang pag-alala sa mga biktima ng Bagyong Yolanda.

Dagdag ni Archbishop Du na sa kabila nang mga pinagdaanang pagsubok ay hindi natinag ang pananampalataya ng mga tao at sa halip ay mas lalo pang yumabong at lumalim sa pagnanais na muling makamtan ang pag-asa.

“For us here, this is a celebration of Hope in the Lord. Despite what we have gone through, our God is indeed a God of Hope who challenges us to remain trusting and holding on to Him as we face imminent and unforeseen challenges in life,” saad ng Arsobispo.

Ang imahen ng Our Lady of Hope of Palo na naging simbolo ng pag-asa ng mga nakaligtas sa pananalasa ng Super Typhoon Yolanda ay nililok ng kilalang ecclesiastical artist na si Willy Layug mula sa Pampanga at kanyang inihandog sa Archdiocese ng Palo.

Taong 2015 naman nang basbasan mismo ng Kanyang Kabanalan Francisco ang imahen ng mahal na birhen kasabay kanyang Papal Visit sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 11,220 total views

 11,220 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 61,904 total views

 61,904 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 68,033 total views

 68,033 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 97,766 total views

 97,766 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 116,217 total views

 116,217 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LLSP,nagbabala laban sa mga manloloko

 5,941 total views

 5,941 total views Nanawagan si Living Laudato Si’ Philippines executive director Rodne Galicha sa publiko na maging mapanuri bago makibahagi, sumuporta, magbigay ng donasyon, o kumatawan

Read More »
Scroll to Top