Mamamayan, pinag-iingat sa mapanganib na paputok

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,222 total views

Pinag-iingat ng BAN Toxics ang publiko laban sa mga mapanganib na paputok na ilegal na ipinagbebenta sa mga pamilihan.

Ito ay ang “giant piccolo” na kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok sa mga nakalipas na taon dahil sa pagiging sanhi ng firecracker-related injury sa mga kabataan.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng grupo, dapat itong higit na tutukan ng mga kinauukulan upang maiwasang maibenta sa publiko at makalikha ng anumang panganib sa kalusugan at polusyon sa kapaligiran.

“We call again the attention of Philippine National Police and Department of the Interior and Local Government to step up and conduct on-site monitoring and confiscation of illegal and prohibited firecrackers as New Year’s Eve draws closer,” pahayag ni Dizon.

Sa pagbisita ng BAN Toxics sa mga pamilihan partikular na sa Divisoria, nagkakahalaga ng 200 piso ang bawat 10 piraso ng giant piccolo.

Magugunitang nagbabala ang grupo nitong Nobyembre laban sa maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok tulad ng Five Star, Whistle Bomb, Giant Bawang, at Happy Ball.

Pinaalalahanan naman ng BAN Toxics ang publiko na iwasang gumastos sa mga paputok na nakakalason at nagdudulot ng basura at polusyon sa kapaligiran.

Sa halip ay isulong ang paggamit ng mga alternatibong pampaingay tulad ng mga kaserola, bote, at lata para sa ligtas at malusog na pagdiriwang ng Bagong Taon.

“We appeal to all vendors to stop selling any prohibited firecrackers, especially to children. We need to protect our kids from any toxic pollution from firecrackers and fireworks and prevent injuries during the holiday season,” ayon kay Dizon.

Sa tala ng Department of Health Fireworks-Related Injury Surveillance noong 2021, umabot sa 189 ang naiulat na fireworks-related injuries, kabilang rito ang isang biktima ng ligaw na bala.

Mas mataas ito ng 54% o 123 kaso kumpara noong 2020, at mas mababa naman ng 55% o 416 kaso sa five-year average sa kaparehong panahon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,395 total views

 57,395 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,264 total views

 53,264 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,466 total views

 89,466 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 97,846 total views

 97,846 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,391 total views

 122,391 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top