Simbahan, nanawagan ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,425 total reads

Nanawagan ng aksyon at pagtulong sa mga mamamayang nasalanta ng kalamidad sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon at Borongan Bishop Crispin Varquez.

Nagpaabot din ng panalangin ng kaligtasan sina Bishop Ongtioco, Bishop Varquez at Bishop Alarcon sa mamamayang naapektuhan ng baha sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Caraga, BARMM at MIMAROPA Region.

Ayon kay Bishop Alarcon, napakahalaga ang tunay na pakikiisa at pagbabahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad.

“Please know that we are close to you and we will do whatever is in power so that we can make concrete actions to that closeness and panawagan din po sa mga kapatid natin na mag-share ng love of the Lord by making concrete acts we always say that ‘One concrete good act of of or values than a thousand promises’. panawagan ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Iginiit naman ni Bishop Ongtioco ang kahalagahan na maiparamdam sa kapwa ang tunay na pakikiisa sa mamamayang apektado ng kalamidad, krisis sa ekonomiya at nawalan ng trabaho.

“Tandaan ninyo tayo’y pinagbuklod ng Panginoon, sila ay kapatid ng bawat tao at dapat kilalaning kapatid dahil sa kaniya makakatagpo, magiging makabuluhan, magiging kongkreto ang pagmamahal sa Diyos, anuman ang ginawa sa iyong maliit na kapatid lalo na yung mga dukha, so panawagan po ni Hesus tayoy magkapatiran at isa pang mark ng pagkakapatiran ngayon ay pagmamalasakit, pagtulong at pagmamahal sa bawat tao.” pahayag sa Radio Veritas ni Bishop Ongtioco.

Ipinagdarasal naman ni Bishop Varquez ang pagbangon ng mga nasalanta ng baha na makabalik agad sa normal na pamumuhay.

“Kaya po ay ipanalangin natin sila na sana hindi mawala ang kanilang pagasa na bumangon at ganun din po ang ating gagawin kung tayo po ay mayroong ma-extend na tulong sa kanila malaking bagay po sa mga biktima.”panawagan ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council, aabot na sa 52 ang bilang ng nasawi, 18 ang nawawala at 16 naman ang naitalang sugatan dulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.

Sa mga nabanggit na lugar din ay aabot na sa mahigit 700-libong katao o 171-libong pamilya ang naapektuhan ng kalamidad.

Unang nagpadala ng 200-libong pisong halaga ng tulong ang Caritas Manila sa Archdiocese of Ozamis matapos makaranas ng pagbaha ang maraming residente sa Misamis Occidental.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 80 total reads

 80 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 8,154 total reads

 8,154 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 80,831 total reads

 80,831 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 167,330 total reads

 167,330 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 210,366 total reads

 210,366 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 259,738 total reads

 259,738 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top