CBCP at DILG, nagkasundong magtulungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,856 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Public Affairs ang mga Pilipino na magbuklod sa ikauunlad ng Pilipinas.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, chairman ng komisyon, ang pagkakaisa ng mamamayan ang susi upang matamo ng lipunan ang kapayapaan at pagyabong.

“Ako po ay nanawagan sa lahat na tulungan natin ang ating lipunan, ang ating pamahalaan na maiayos ang kapayapaan, magandang takbo ng lipunan sapagkat tayo ay pare-parehong citizen ng ating bansa kaya’t tayo dapat ang magmalasakit sa ikabubuti ng ating bayan, ” pahayag ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas.

Ito ang pahayag ng opisyal ng public affairs ministry ng simbahan kaugnay sa pagdalo ni Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pagpupulong ng CBCP nitong January 29.

Sinabi ni Bishop Evangelista na maganda ang panukala ni Abalos na pagtutulungan ng pamahalaan at simbahan ang mga programang magpapaunlad sa pamayanan na may paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat isa.

“Kaya siya [Sec. Abalos] lumapit sa CBCP kasi kita niya na napakalaki ng maging contribution ng simbahan, spiritual leaders ng bansa para sa ganoong direksyon na inaasam, na tulungan ang gobyerno para masugpo ang droga at maiayos ang lipunan natin,” ani Bishop Evangelista.

Sa panayam ni Abalos sa mga obispo hiniling nitong tulungan ang pamahalaan sa programang isinusulong ng DILG ang ‘Buhay ay Ingatan, Droga ay Ayawan o BIDA’ para sa mas maayos na pagpapatupad sa tulong ng simbahang katolika.

Tiniyak ni Bishop Evangelista sa pamahalaan ang kahandaan ng simbahan sa pagsuporta sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino.

Matatandaang inilunsad ng simbahan ang iba’t ibang drug rehabilitation program noong pasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang giyera kontra droga lalo na ang Oplan Tokhang.

Ilan sa mga ito ang SANLAKBAY ng Archdiocese of Manila, SALUBONG ng Diocese of Kalookan, Surrender to God o SUGOD ng Duros Group sa Cebu katuwang ang Archdiocese of Cebu at iba pang mga programa para sa mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Sa datos ng Philippine National Police nasa anim na libong indibidwal ang nasawi sa war on drugs ng nagdaang administrasyon mas mababa kumpara sa datos ng iba’t ibang human rights group na umabot sa mahigit 30-libong indibidwal.

Nanindigan ang simbahang katolika na mahalagang igalang at bigyang dignidad ang buhay ng bawat mamamayan at bigyang pagkakataong maghilom at magpanibago sa anumang pagkalulong at pagkakasala sa batas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 146,935 total reads

 146,935 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 205,101 total reads

 205,101 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 341,606 total reads

 341,606 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 453,558 total reads

 453,558 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top