PNP Chaplain Service, nanawagan sa PNP uniformed at non-uniform personnel na makibahagi sa KASIMBAYANAN program

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,225 total reads

Nanawagan ang Philippine National Police – Chaplain Service sa mga kawani at mga opisyal ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na aktibong tumugon sa ipinatutupad na Internal Cleansing Campaign sa ahensya.

Ayon kay PNP – Chaplain Service Director, Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, mahalaga ang pakikilahok ng bawat isa sa Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) kasama ang mga Life Coaches at Squad Leaders gayundin ang mga Spiritual Community Advisers.

“Tayo ay nanawagan sa ating mga Kapulisan lalong lalo na ang mga Chiefs of Police natin to implement our Internal Cleansing Campaign lalo na sa ating Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM), ones a week magkaroon ng squadding kasama ang Life Coaches at Squad Leaders at sa ating KASIMBAYANAN na kasama lagi ang ating Spiritual Community Advisers (Faith Based Groups) sa pag implement nito down to our barangays for our people to have peace and harmony,” apela ni Ortizo.

Ipinaliwanag ni General Ortizo, na ang naturang hakbang ay bahagi ng KASIMBAYANAN program kung saan mahalaga ang papel na ginagampanan ng Spiritual Community Advisers mula sa iba’t ibang Faith Based Groups upang magabayan ang mga alagad ng batas sa kanilang matapat, maayos, at makataong pagsasakatuparan sa mandatong protektahan ang bayan.

Pinangangasiwaan ng PNP-Chaplain Service ang pagpapaigting sa revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, kumunidad at ng mga faith-based groups para sa mas epektibong pagtiyak sa pagkakaroon ng maayos at mapayapang pamayanan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 5,451 total reads

 5,451 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 41,824 total reads

 41,824 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 98,230 total reads

 98,230 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 221,640 total reads

 221,640 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top