Our Lady of Lourdes, bukas sa mga may karamdaman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,575 total reads

Umaasa ang pamunuan ng National Shrine of Our Lady of Lourdes na maranasan ng mga deboto ang kagalingan sa bawat pagdalaw sa dambana.

Batid ni Shrine Rector at Parish Priest Fr. Jefferson Agustin, OFM Cap. na karaniwang dumadalaw sa dambana ay naghahanap ng kagalingan sa iba’t ibang uri ng karamdaman.

“Sana sainyong pagpunta rito sa dambana ay makararanas kayo at makatanggap ng pagpapagaling mula sa ating Panginoong Hesus sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birhen ng Lourdes.” pahayag ni Fr. Agustin sa Radio Veritas.

Nagalak ang pari dahil muling naipagdiwang ng dambana ang mga gawain tuwing pista na naipagpaliban ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Ito rin ay paalala sa mamamayan na sa bawat karanasan ng tao ay kasama ang Panginoong nakikilakbay at kaisa sa bawat pagdurusa tulad ng karanasan ng COVID-19 pandemic lalo’t kasabay ng kapistahan ang paggunita sa World Day of the Sick na may temang ‘Take care of him’.

“Sa pagdating ng sakit sa buhay natin ay umuusbong naman ang pananalig natin sa Diyos yung pananampalataya natin na tayo ay sasamahan ni Hesus sa ating pagkakasakit, hindi tayo pababayaan sa ating karanasan.” giit ni Fr. Agustin.

Itinuring ni Fr. Agustin na isang malaking biyaya mula sa Panginoon ang pagtitipon-tipon ng mga deboto at ipinadama sa sangkatauhan ang presensya ng Diyos.

Sinabi ng pari na ang pagbubuklod ng mga deboto ay alinsunod sa tema ng pagdiriwang na ‘Simbahang Sinodal Nagkakaisa, Nakikibahagi at Nagmimisyon’ kung saan inaanyayahan ang mananampalataya na magkaisa tungo sa pagtupad sa misyon ni Hesus na ipalaganap ang mabuting balita sa mga pamayanan.

Pinangunanahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes noong February 11 kasama sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, komunidad ng Franciscan Capuchin na nangangasiwa sa dambana at mga bisitang pari.

Tiniyak ni Fr. Agustin sa mga deboto na bukas ang simbahan sa anumang oras para sa lahat ng nangangailangan ng kanlungan lalo na tuwing Sabado sa alas 6:30 ng umaga sa Rosary Procession na susundan ng Healing Mass sa alas 7:30 ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 30,135 total reads

 30,135 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 68,153 total reads

 68,153 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 103,452 total reads

 103,452 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,722 total reads

 329,722 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 221,255 total reads

 221,255 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top