Pagpapahid ng abo, tanda ng pagpapakumbaba -Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,302 total reads

Pinaalalahanan ng arsobispo ng Maynila ang mananampalataya na ang pagpapahid ng abo ay paanyaya ng kapakumbabaan.

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Cardinal Jose Advincula sa ginanap na Banal na Misa sa Manila Cathedral nitong Ash Wednesday, February 22.

Ayon sa cardinal, dapat iwasan ng tao ang pagiging makasarili sa halip ay paigtingin ang pagkalinga sa kapwa lalo na sa maralita at mahihinang sektor ng lipunan.

“To have ashes on our head is symbolic of having the ground above us and so the ashes on our heads must humble our heads and bring our feet to ground, the ashes on our heads guard us against the delusions of self-righteousness, self-sufficiency, self-entitlement and self-grandiosity,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang diin ng arsobispo na ang panahon ng kuwaresma ay pagkakataong talikuran ang makamundong gawain at bigyang tuon ang pagpapalagong espiritwal.

Hamon ni Cardinal Advincula sa mamamayan na ipakita ang tunay na diwa ng pagkalinga upang maramdaman ang pag-ibig ng Diyos sa kapwa.

“Let the ashes on our head remind us to pray with sincerity of heart, fast in genuine solidarity with the ones who are suffering, and give alms out of hearts that are truly contrite and compassionate,” ani ng cardinal.

Sa pagsimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus ay muling nagtungo sa mga simbahan ang mananampalataya upang makibahagi sa Miyerkules ng Abo.

Una nang ipinag-utos ni Cardinal Advincula sa Archdiocese of Manila ang muling pagbabalik sa nakagawaing pagpapahid ng abo sa noo ng mananampalataya makaraan ang tatlong taong pagpaliban bunsod ng COVID-19 pandemic.

Hinikayat ng opisyal ang mananampalataya na sa pagpahid ng abo sa noo ay maunawaan ang krus ni Hesus na sumasagisag ng tagumpay ng tawirin ang dilim ng kamatayan tungo sa landas ng katubusan ng sanlibutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 8,616 total reads

 8,616 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 44,652 total reads

 44,652 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 101,058 total reads

 101,058 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 224,341 total reads

 224,341 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top