Ipanalangin ang pangulong Marcos, apela ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,272 total reads

Nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias sa mamamayan na ipanalangin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang buong katapatang gampanan ang tungkulin para sa bayan.

Sa pagninilay ng Obispo sa ika-pitong araw ng Misa Nobernaryo ng EDSA Shrine at paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power ay inanyayahan nito ang bawat isa na ipanalangin ang tapat na paglilingkod para sa common good ng mga Pilipino.

Ayon kay Bishop Tobias, mahalagang si Pangulong Marcos Jr. ang manguna at magsilbing halimbawa sa tapat na paggamit ng posisyon at katungkulan.

Sinabi ng Obispo na bukod sa pagpuna sa Pangulo ay mahalaga rin ang pananalangin upang gabayan ng Panginoon ang pinakamatas na lider ng bansa sa kanyang pagsisilbi para sa bayan.

“I just want to ask our own president, you know lead by example, be confident of your office and the votes you got but those votes are a great responsibility, so much expectation of you. And so we had to pray for our own president, you know not just criticize but pray and the votes you had is enough to make you rule but rule with humility.” pagninilay ni Novaliches Bishop Tobias.

Partikular namang umapela si Bishop Tobias kay Pangulong Marcos Jr. na hingin ang gabay ng panginoon sa mga desisyon para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

Giit ng Obispo, mahalagang matukoy ng Pangulo kung sino ang mga dapat na pakinggan sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanyang pamumuno sa bansa.

Paliwanag ni Bishop Tobias, bagamat marami ang nagulat sa pagkapanalo ni Pangulong Marcos Jr. ay mahalaga namang respetuhin ng bawat isa ang desisyon ng mas nakararami at suportahan ang halal na pangulo ng bansa.

“Please have the sense of who is to be listened to, there will be so many whispers to you as president but please sit down be yourself and pray, pray for God’s own enlightenment for you to make a decision that is the best for the country, this is the expectation and so we pray for you because even if everybody or people were surprise, you are our president.” Dagdag pa ni Bishop Tobias.

Nilinaw ng Obispo na mahalaga ang pananalangin sa pamamagitan ng Our Lady of Peace na Birhen ng EDSA upang gabayan ang bawat mamamayan lalo’t higit ang mga lider ng bansa, ng pamayanan at maging ng Simbahan sa kanilang pagganap sa kani-kanilang tungkulin.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,569 total reads

 22,569 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 22,696 total reads

 22,696 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 3,654 total reads

 3,654 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,245 total reads

 40,245 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 96,651 total reads

 96,651 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,140 total reads

 220,140 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top