Pagiging Diocesan Shrine ng Our Lady of Fatima Parish, blessing sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,927 total views

Itinuring na malaking biyaya sa mananampalataya ang pagkatalagang Diocesan Shrine ng Our Lady of Fatima Parish sa Urduja Caloocan City.

Ayon kay Fr. Aristeo De Leon, kura paroko at rector ng dambana, ito ay makatutulong mapalago ang pananampalataya ng mamamayan at maging daan upang matuklasan ng tao ang kapayapaan tungo kay Hesus.

“Ito ang maging sentro na pupuntahan ng tao upang hanapin at maramdaman ang kapayapaan; ito’y magagawa sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Fatima patungo sa kanyang anak na si Hesus na prinsepe ng kapayapaan,” pahayag ni Fr. De Leon sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Fr. De Leon na kasabay ng pagtalaga ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima ang paalala sa mensahe ng Mahal na Birhen kina San Francisco, San Jacinta at Lucia noong nagpakita ito sa Fatima Portugal noong 1917 ang magdasal, magsakripisyo at pagbayad puri sa mga kasalanang nagawa ng tao.

Sinabi ng pari na sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at paggawa ng mabuti sa kapwa ay matamo ng tao ang kapayapaan ng puso na magbubuklod sa bawat pamilya at pamayanan.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagtalaga ng dambana kung saan sa pagninilay ay pinaalalahanan ang mga deboto sa tungkuling nararapat gampanan kasabay ng paghirang na pandiyosesanong dambana.

“Hindi ito basta lamang titulo o dangal ang tatanggapin kundi responsibilidad na dapat isabuhay; tungkulin ng bawat isa na ipalaganap ang mensahe ng Mahal na Ina na inihabilin sa tatlong bata,” mensahe ni Bishop Gaa.

Nataon din ang pagkahirang na dambana sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng parokya kung saan tiniyak ni Fr. De Leon ang pagpapalago ng mga programang makatutulong sa pananampalataya ng mamamayan kasabay ang paanyayang dalawin ang dambana sa pagsasagawa ng pilgrimage.

Naitatag ang parokya noong October 21, 1972 na unang pinangasiwaan ng misyonerong Columban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 6,988 total views

 6,988 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 35,552 total views

 35,552 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 85,566 total views

 85,566 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 81,177 total views

 81,177 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 116,289 total views

 116,289 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top