Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa, nakikiisa laban sa operasyon ng Nickel corporation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,473 total views

Nakikiisa ang Apostolic Vicariate ng Puerto Princesa sa panawagan ng mamamayan ng Brooke’s Point, Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation.

Sa liham-pastoral ni Bishop Socrates Mesiona, sinabi ng Obispo na ang pagtutol ng taumbayan ay isang karapatang dapat igalang dahil layunin lamang nitong ipagtanggol ang kanilang kaligtasan, kalikasan, at pamayanan.

“Nararapat po lamang na igalang ang kanilang karapatan at pakinggan ang kanilang hinaing. Kinikilala rin natin ang basehan ng kanilang ipinaglalaban. Sila ang higit na may nalalaman at direktang naaapektuhan sa anumang kaganapan sa kanilang kapaligirn.” ayon kay Bishop Mesiona.

Iginiit ni Bishop Mesiona na katulad ng mamamayan ng Brooke’s Point partikular na sa Barangay Ipilan, ang Simbahan ay mariin ding nananawagan upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan at kaligtasan ng mga apektado ng mga pagbabago sa kapaligiran.

Ito ay ang mga katutubo at magsasaka na ang hanapbuhay ay nagmumula sa mga likas na yaman tulad ng lupa, bundok, gubat, at karagatan, na higit na napipinsala ng operasyon ng pagmimina sa lugar.

“Ipinakikiusap natin na pakinggan naman ang boses at igalang ang hinaing at panawagan ng ating mga kababayan. Gayunpaman, idinudulog natin sa lahat na maging mahinahon. Iwasan nawa ang mapanirang mga salita na nakasasakit ng kalooban.” saad ni Bishop Mesiona.

Panawagan naman ng Obispo sa mga kinauukulan na isaalang-alang ang ikabubuti ng lahat lalo’t higit ang mga mahihirap.

Gayundin ang pagsusulong sa mga proyekto na pangmatagalan ngunit hindi mag-iiwan ng pinsala sa kalikasan at mamamayan, at hindi pansamantala at mapapakinabangan lamang ng iilan.

Higit isang linggo na ang nakakalipas nang magsagawa ng Barikada ng Bayan ang mga residente ng Brooke’s Point upang tutulan ang ilegal na pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation.

Nakasaad naman sa Laudato Si ni Pope Francis na mahalaga ang pagiging mapagmatyag ng pamayanan upang matiyak na wasto at may moral na pamantayan ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 41,655 total views

 41,655 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 69,660 total views

 69,660 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 87,460 total views

 87,460 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 85,653 total views

 85,653 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 194,967 total views

 194,967 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,907 total views

 11,907 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top