Pagiging Diocesan Shrine ng Our Lady of Fatima Parish, blessing sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,089 total reads

Itinuring na malaking biyaya sa mananampalataya ang pagkatalagang Diocesan Shrine ng Our Lady of Fatima Parish sa Urduja Caloocan City.

Ayon kay Fr. Aristeo De Leon, kura paroko at rector ng dambana, ito ay makatutulong mapalago ang pananampalataya ng mamamayan at maging daan upang matuklasan ng tao ang kapayapaan tungo kay Hesus.

“Ito ang maging sentro na pupuntahan ng tao upang hanapin at maramdaman ang kapayapaan; ito’y magagawa sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Fatima patungo sa kanyang anak na si Hesus na prinsepe ng kapayapaan,” pahayag ni Fr. De Leon sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Fr. De Leon na kasabay ng pagtalaga ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima ang paalala sa mensahe ng Mahal na Birhen kina San Francisco, San Jacinta at Lucia noong nagpakita ito sa Fatima Portugal noong 1917 ang magdasal, magsakripisyo at pagbayad puri sa mga kasalanang nagawa ng tao.

Sinabi ng pari na sa pamamagitan ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at paggawa ng mabuti sa kapwa ay matamo ng tao ang kapayapaan ng puso na magbubuklod sa bawat pamilya at pamayanan.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pagtalaga ng dambana kung saan sa pagninilay ay pinaalalahanan ang mga deboto sa tungkuling nararapat gampanan kasabay ng paghirang na pandiyosesanong dambana.

“Hindi ito basta lamang titulo o dangal ang tatanggapin kundi responsibilidad na dapat isabuhay; tungkulin ng bawat isa na ipalaganap ang mensahe ng Mahal na Ina na inihabilin sa tatlong bata,” mensahe ni Bishop Gaa.

Nataon din ang pagkahirang na dambana sa pagdiriwang ng ika – 50 anibersaryo ng parokya kung saan tiniyak ni Fr. De Leon ang pagpapalago ng mga programang makatutulong sa pananampalataya ng mamamayan kasabay ang paanyayang dalawin ang dambana sa pagsasagawa ng pilgrimage.

Naitatag ang parokya noong October 21, 1972 na unang pinangasiwaan ng misyonerong Columban.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 22,920 total reads

 22,920 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 4,160 total reads

 4,160 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 40,703 total reads

 40,703 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 97,109 total reads

 97,109 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 220,575 total reads

 220,575 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top