Makadaupang palad si Pope Francis, biÿaya sa mga opisyal ng CBCP-ECL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,817 total views

Makadaupang palad si Pope Francis, biÿaya sa mga opisyal ng CBCP-ECL

Nagpapasalamat ang lay ministry ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagkakataong personal na makadaupang palad ang Kanyang Kabanalan Francisco sa Roma.

Pinangunahan ni Tarlac Bishop Enrique Macaraeg – chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang pagdalo sa International Conference of Pastors and Lay Faithful sa Vatican noong ika-16 hanggang ika-18 ng Pebrero, 2023.

Kasama ni Bishop Macaraeg sa pagtitipon si Bro. Raymond Daniel Cruz, Jr. – National President ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na nagsisilbing implementing arm ng mga programa at misyon ng kumisyon.

Itinuturing ni Cruz na isang pambihirang biyaya at karanasan ang malapitan at makamayan ang Santo Papa Francisco na nagsisilbing pinunong pastol ng Simbahang Katolika.

“Ang tagal ko pong pinangarap ito.  Malapitan at makamayan si Pope Francis. Nagsubmit po kami (LAIKO and WeGen Laudato Si) ng Laudato Si’ Action Report at naging interisado po ang Santo Papa. Thank you Lord for allowing me to meet you Vicar!” pahayag ni Cruz,

Bukod sa personal na pakikibahagi sa pagtitipon na pinangunahan ng Santo Papa Francisco ay nagkaroon din ng pagkakataon si Bishop Macaraeg at Cruz upang personal na maibigay kay Pope Francis ang kopya ng LAIKO’s and WeGen Laudato Si’s Action Report na isang kongretong pagtugon ng Simbahan at ng layko sa Pilipinas sa panawagang pangangalaga sa kalikasan.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas na nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ay binubuo ng mahigit sa 50-organisasyon ng Simbahan sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 2,050 total views

 2,050 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 30,614 total views

 30,614 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 80,628 total views

 80,628 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 76,415 total views

 76,415 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 111,899 total views

 111,899 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top