Matatag na ugnayan ng COMELEC sa mga stakeholder, pinatibay ng National election summit.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,917 total reads

Binigyang diin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kahalagahan ng kauna-unahang National Election Summit na isinasagawa ng ahensya.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, mahalaga ang tatlong araw na pagtitipon na layong makinig at makipagtulungan sa iba’t ibang grupo, organisasyon at institusyon para sa mas maayos at matapat na pagsasagawa ng halalan.

Pagbabahagi ni Garcia, sadyang mahalaga para sa COMELEC na maging bukas para sa iba’t ibang mga kaalaman, karanasan, pag-aaral at pagsusuri na maaring magamit ng ahensya para sa higit na pagpapabuti at pagsasaayos ng kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

“Not only because this is the first, but because it shows the intention of COMELEC to listen and to consult with practically everybody. Napaka-importante if the COMELEC would always listen and learn from experiences, from the studies, research of everyone.”  pahayag ni Garcia.

Paliwanag ni Garcia, hindi naaangkop at hindi rin madali para sa COMELEC na sarilihin ang pamamaraan at pagsasakatuparan ng kabuuang proseso ng halalan.

Bahagi ng tatlong araw na pagtitipon na nagsimula noong ika-8 ng Marso, 2023 ang iba’t ibang mga grupo, organisasyon at institusyon na bumubuo sa stakeholders ng COMELEC na katuwang ng ahensya sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan ng halalan.

Tema ng kauna-unahang National Election Summit ang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan” na naglalayong magsilbing daan para sa mas malawak na ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa pagsasakatuparan ng mas maayos, malaya, mapayapa at matapat na halalan sa bansa.

Bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan ay kabilang ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga pangunahing stakeholders na nakikibahagi sa nasabing pagtitipon.

Una ng inihayag ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano na isang magandang pagkakataon ang nasabing pagtitipon upang higit na mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng mga ahensya at mga grupo na nangangasiwa at nagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 39,184 total reads

 39,184 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 61,383 total reads

 61,383 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 97,883 total reads

 97,883 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 318,510 total reads

 318,510 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 350,893 total reads

 350,893 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top