Integration ng voter’s education sa K-12 curriculum, pina-plano ng COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,134 total reads

Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) ang planong pagsasama o integration ng voters’ education sa K-12 curriculum.

Sa ikalawang araw ng National Election Summit ay inihayag ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na isa ang planong maagang pagbabahagi ng voters’ education sa mga kabataan sa mga pangunahing layunin at planong isulong  ng kasalukuyang pagtitipon.

Ayon kay Garcia, naniniwala ang ahensya na mahalagang maimulat ang mga kabataan mula sa murang  edad pa lamang sa kahalagahan at kasagraduhan ng pagboto gayundin ang tamang pagpili ng mga karapat-dapat na lider maging sa loob pa lamang ng silid-aralan.

Pagbabahagi ni Garcia, bukas ang COMELEC sa iba’t ibang mga suhestiyon kung paano higit na magiging epektibo ang integration ng voters’ education sa curriculum ng mga kabataang mag-aaral.

“Ito rin po ang isinusulong sa Summit na ito, ‘yung integration sa ating present curriculum ng voters’ education. Na sana man lang, kahit paano nagsisimula pa lang, kahit sa Kinder… naituturo kaagad sa kanila ‘yung kasamaan ng pagbebenta ng boto, ‘yung tamang pagpili ng isag tunay na leader kahit sa classroom… Sa amin po naman sa En Banc, kami po ay willing, ready and open sa lahat ng suhestiyon.” Ang bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia.

Nagsimula ang kauna-unahang National Election Summit ng COMELEC noong ika-8 ng Marso, 2023 na may temang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan” na naglalayong magsilbing daan para sa mas malawak na ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa pagsasakatuparan ng mas maayos, malaya, mapayapa, matapat at patas na halalan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,380 total reads

 20,380 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,507 total reads

 20,507 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,843 total reads

 36,843 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,249 total reads

 93,249 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,750 total reads

 216,750 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,325 total reads

 300,325 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top