Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total views

LET US HEAR TODAY’S FIRST READING AND LISTEN TO BP. BRODERICK PABILLO AS HE EXPLAINS THE READINGS.

#FirstThingsFirst
#BpBroderickPabillo
#VeritasPH
#TVMaria

Muling tuklasin ang tunay na diwa ng pakikipagkaibigan kay Hesus, Cardinal Tagle sa mga kabataan

 965 total views

Hinikayat ni Pro-Prefect ng Dicastery for Evangelization – Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga kabataan na muling tuklasin ang tunay na kahulugan ng pakikipagkaibigan kay Hesukristo na nakaugat sa pagbabahagi ng Salita ng Diyos, pag-ibig, at paglilingkod sa kapwa.

Ito ay sa mensahe ng Cardinal sa Youth Day ng 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII), ipinaliwanag nito na ang pagiging kaibigan ni Kristo ay hindi nasusukat sa pansariling pakinabang o sa dami ng online followers at digital friends, kundi sa kakayahang ibahagi ang biyayang tinanggap mula sa Diyos.

Binigyang-diin din na ang tunay na kaibigan ay hindi nagpapalaganap ng tsismis, kasinungalingan, o fake news, kundi ng katotohanan, biyaya, at pag-asa.

The friendship that Jesus offers is not based on convenience or what we can gain from another person. It is rooted in sharing what we have received from God. If someone fills your life with gossip, lies, prejudice, or fake news, that person is not acting as a true friend. A friend, like Jesus, shares truth, grace, and the blessings of God,” ayon sa mensahe ni Caridnal Tagle.

Ipinaalala rin ni Cardinal Tagle na ang tunay na pag-ibig ay nasasalamin sa kahandaang mag-alay ng sarili para sa kapwa, tulad ng ipinakita ni Hesus sa Kanyang mga kaibigan. Hinikayat nito ang mga kabataan na maging mga “misyonero ng pagkakaibigan” sa pamamagitan ng pagmamahal, pagtanggap, at paglilingkod sa bawat isa, lalo na sa mga nakararamdam na sila ay hindi kabilang o hindi karapat-dapat sa Simbahan.

Ayon sa Cardinal, ang Simbahan ay tahanan ng lahat at bawat binyagan ay tinatawagan ni Kristo na maging tunay na kaibigan na nagbabahagi ng pag-ibig at katotohanan.

“Jesus calls us friends not only to receive His love but to share it with others. True friendship is measured by our willingness to give ourselves in love, even in sacrifice, just as Christ gave His life for His friends. The Church must become a place where every person, especially those who feel broken or unworthy, hears the words, ‘I have called you friends.’ That is the mission of every Christian,” ayon pa sa mensahe ni Cardinal Tagle.

Ang panawagang ito ay kaayon ng patuloy na pagsusulong ng Simbahan sa bagong ebanghelisasyon na naghihikayat sa bawat mananampalataya na maging buhay na saksi ng Ebanghelyo sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 16,790 total views

Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ngayong araw.

Ito’y dahil sa agresibong pagsusulong ng mga polisiyang magpapalawak sa pagmimina nang walang malinaw na pambansang plano sa industriyalisasyon at sapat na pangangalaga sa kalikasan.

Ayon sa ATM, nakababahala ang nakatakdang pag-apruba ng Critical Minerals Framework, na anila’y magbubukas ng mas maraming pagmimina ng nickel, copper, at cobalt nang hindi man lamang isinailalim sa konsultasyon ang mga maaapektuhang komunidad at mga makakalikasang grupo.

“On this fifth State of the Nation Address (SONA), Alyansa Tigil Mina (ATM) registers its dismay over the wrongful and aggressive promotion of destructive mining by the administration of President Bongbong Marcos, Jr.,” pahayag ng ATM.

Nagpahayag din ng pangamba ang grupo sa kasunduang isinulong ng pamahalaan sa ilalim ng Pax Silica, kung saan isasama ang yamang mineral ng Pilipinas sa global high-tech supply chain ng Estados Unidos sa kabila ng mga naitalang paglabag sa batas at pinsalang pangkalikasan na inuugnay sa ilang kumpanya ng pagmimina.

Ayon sa ATM, wala ring malinaw na Philippine Industrialization Plan na magtatakda kung anu-anong mineral ang tunay na kailangan ng bansa at kung paano ito dapat gamitin para sa pambansang kaunlaran.

Nangangamba ang grupo na humantong lamang ito sa patuloy na pagkamkam sa likas na yaman at pagkasira ng mga kagubatan at mahahalagang ecosystem.

“Government officials have been quick to defend Pax Silica against the alleged environmental issues raised but have provided no definitive, specific details. Like many other regulatory functions of government, Pax Silica supporters have very few specific mitigation measures to show,” saad ng ATM.

Bukod dito, binigyang-diin ng ATM ang lumalalang pagputol ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gayundin ang paglawak ng black sand mining at seabed quarrying na nagdudulot ng pinsala sa mga ilog, baybayin, at yamang-dagat dahil sa kakulangan ng mahigpit na regulasyon.

Iginiit din ng grupo na dapat ding tutukan ng pamahalaan ang katiwalian sa industriya ng pagmimina, matapos ilabas ng ATM ang isang pag-aaral na nag-uugnay sa ilang political dynasty at mining corporations, na nagpapahina sa pagpapatupad ng mga batas at sa pangangalaga sa karapatan ng mga komunidad na apektado ng pagmimina.

“This connivance between political families and industrial elites fuels regulatory capture and the failure of government to effectively regulate the mining industry,” saad ng ATM.

Speaker Dy, nanawagan ng pagbabalik sa mga pagpapahalagang Pilipino

 16,637 total views

Nanawagan si House Speaker Faustino Dy III sa mga Pilipino na muling isabuhay ang mga pangunahing pagpapahalagang Pilipino bilang susi sa mas matatag at maunlad na bansa.

Sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng 20th Congress, sinabi ni Speaker Dy na hindi lamang mga batas at programa ang kailangan upang umunlad ang bansa, kundi maging ang pagpapatibay ng malasakit, paggalang, pananampalataya, at bayanihan.

Ayon sa Speaker, nananatiling pinakamalaking lakas ng Pilipinas ang mabuting pagkatao at pagkakaisa ng mga mamamayan, kaya’t mahalagang mapanatili ang pagmamalasakit sa kapwa sa gitna ng iba’t ibang hamon.

“However, more importantly, for our country to really move forward, we must never lose sight of what has always been our greatest strength: our Filipino core values. Ito ang ating lakas, ang tunay na kayamanang dapat nating pangalagaan at ipagmalaki,” bahagi ng talumpati ni Dy.

Hinikayat din niya ang bawat Pilipino na huwag magsawang umunawa, tumulong, at magmahal sa bayan, kasabay ng panawagang patuloy na isabuhay ang diwa ng bayanihan.

Dagdag pa ng pinuno ng Kamara, “Ang pinakamalaking panganib po ay kapag hinayaan nating mawala ang ating mga pagpapahalaga at pagkalinga sa isa’t isa. When we stop caring for our fellow Filipino.”

Nanawagan si Speaker Dy sa mga magulang, guro, kabataan, manggagawa, negosyante, opisyal ng pamahalaan, at sa bawat mamamayan na gampanan ang kanilang tungkulin nang may katapatan, pananagutan, at malasakit.

Binigyang-diin niya na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa, at ang sama-samang pagkilos ang magiging pundasyon ng mas matatag na kinabukasan ng bansa.

“We are all accountable. To ourselves, and to each other. Ito po ang mga magandang halimbawa ng pagbabagong magsisimula sa ating lahat.

Mahigpit na proteksyon laban sa fake news at online threats

Isinusulong din ni Dy ang mas mahigpit na pangangalaga laban sa maling impormasyon at mapaminsalang nilalaman sa internet, kasabay ng panawagang maging mapanuri ang publiko sa paggamit ng social media.

Sa pagbubukas ng sesyon, sinabi ni Speaker Dy na nananatiling prayoridad ng Kamara ang kaligtasan ng mga Pilipino, lalo na ng kabataan, sa digital space.

Nagbabala rin ang lider ng Kamara sa lumalalang pagkalat ng fake news at disinformation na nagiging sanhi ng pagkalito, alitan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

Ayon kay Speaker Dy, mahalagang pairalin ang katotohanan, tamang impormasyon, at bukas na pag-iisip upang mapanatiling matatag ang demokrasya.

“Huwag po sana nating hayaan na ang ingay ng social media ang humubog sa ating paniniwala. Pairalin natin ang katotohanan kaysa fake news, pag-unawa kaysa galit, at pagkakaisa kaysa pagkakahati-hati. Ang demokrasya po ay nananatiling matibay kapag ang mamamayan ay may sapat na kaalaman at bukas na pag-iisip.”bahagi ng talumpati ni Dy.

Kabilang sa mga panukalang isinulong ng Kamara ang Digital Media Anti-False Information Act, Child Online Safety and Protection Act of 2026, at ang Children’s Social Media Safety Act na naglalayong higpitan ang paggamit ng social media ng mga batang wala pang 13 taong gulang.

Umaasa rin ang pinuno ng kamara na maisama ang naturang panukala sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC upang mapabilis ang pagpasa nito sa Kongreso.

Ito ang unang taon ni Dy bilang speaker of the House matapos na ring magbitiw sa tungkulin si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez noong Sept. 17, 2025, dulot na rin ng kontrobersya sa flood control projects na inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang 2025 State of the Nation Address.

Ang 2nd regular session ng 20th Congress, ay dinaluhan ng 289 kongresista mula sa kabuuang 318, kabilang ang 254 congressional district at 64 partylist members.

317 naman ang aktibong miyembro ng Kamara sa kasalukuyan makaraang ma-expelled si Cavite Rep. Francisco ‘Kiko’ Barzaga noong June, 2026 dahil sa ‘disorderly behavior.’

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pax Silica

 1,678 total views

 1,678 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 45,227 total views

 45,227 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 160,573 total views

 160,573 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 188,866 total views

 188,866 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 234,740 total views

 234,740 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily July 26, 2026

 3,661 total views

 3,661 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 11,776 total views

 11,776 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 19,353 total views

 19,353 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »

Homily July 5, 2026

 29,958 total views

 29,958 total views 14th Sunday in Ordinary Time Cycle A Zec 9:9-10 Rom 8:9.11-13 Mt 11:25-30 “Hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa

Read More »
Scroll to Top