Integration ng voters education sa K-12 curriculum suportado ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,766 total views

Nagpahayag ng kahandaan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na suportahan ang plano ng Commission on Elections (COMELEC) na pagsasama o integration ng voters’ education sa K-12 curriculum.

Ayon kay PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano, maging ang PPCRV ay mayroong binubuong module na magsilbing gabay sa paghuhubog ng mga kabataang makabayan at mulat sa kahalagahan ng demokrasya at halalan sa bansa.

Ipinaliwanag ni Serrano na mas higit na tinututukan ng PPCRV ang pagsusulong ng pagiging makabayan ng mga kabataan upang mas madaling magpaliwanag sa kahalagahan at kasagraduhan ng halalan sa bansa.

“Yes [we’ll support COMELEC] in fact were also coming out with our own module kaya gusto din naming yan which ever ang gagamitin basta’t huwag lang sana po-focus masyado sa eleksyon, kasi yung sa module namin will focus more on the patriotism or love of country, hindi masyado sa eleksyon kasi eleksyon madaling matutunan yun.” pahayag ni Serrano sa Radyo Veritas.

HIgit na tinututukan ng PPCRV ang pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan sa kahalagahan ng demokrasya kung saan kaakibat nito ang pagkakaroon ng regular na halalan sa bansa, at ang matalinong pagpili ng mga lider na magbibigay direksyon sa hinaharap ng bansa.

Nilinaw naman ng PPCRV na anuman ang nakapaloob sa module na isusulong ng COMELEC para sa integration ng voters’ education sa K-12 curriculum ay nakahanda silang umagapay at makibahagi sa mga programa ng ahensya.

“Were focusing dun sa importance kung bakit tayo nagkakaroon ng regular elections, bakit kinakailangang regular yung elections, bakit mahalaga yung mga binoboto natin makakahubog doon sa direksyon ng ating bansa at saka ng ekonomiya, yan yun aming magiging more focus, hindi masyado dun sa election, so I don’t know about the module na ipipresent ng COMELEC but I think hindi naman siguro kami nagkakalayo ng contents niyan, hopefully we could integrate from each other’s views.” Dagdag pa ni Serrano.

Matatandaang kabilang sa mga inihayag na plano ng COMELEC sa naganap na National Election Summit ang planong pagsasama o integration ng voters’ education sa K-12 curriculum upang maagang mamulat ang mga kabataan sa kahalagahan at kasagraduhan ng halalan sa bansa.

Pagbabahagi ni Serrano kaisa ng COMELEC ang PPCRV sa pagnanais na higit na mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa kahalagahan ng halalan maging sa murang edad pa lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 16,515 total views

 16,515 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 66,529 total views

 66,529 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,398 total views

 62,398 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,471 total views

 98,471 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,346 total views

 106,346 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top