Isang biyaya ang pag-iikot ng Pilgrim Relics of St.Therese of the Child Jesus sa Pilipinas – PNP Chaplain Service

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,285 total reads

Itinuturing na biyaya ng Philippine National Police – Chaplain Service ang paglilingkod at pagsisilbing gabay ng mga kawani ng tanggapan sa pag-iikot sa bansa ng Pilgrim Relics of Saint Therese of the Child Jesus.

Pagbabahagi ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo, itinuturing nilang isang biyaya at karangalan na maglingkod at tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa ikalimang pagbisita ng relikya ni Sta. Teresita sa bansa.

Ayon kay General Ortizo, may pambihirang puwang sa puso at pananampalataya ng mga kawani ng PNP at Armed Forces of the Philippines ang pananalig kay Sta. Terisita kaya naman buong pusong handang maglingkod ang mga pulis at sundalo sa pagtiyak ng kaayusan ng pag-iikot sa bansa ng Pilgrim Relics of Saint Therese of the Child Jesus.

“Of course involve ang ating mga kapulisan at ang ating mga kasundaluhan sa pag-iikot ng relic ni St. Therese, sobrang napakalaking blessing in fact this is the 5th relic visit of the relic of St. Therese and talagang alam naman natin na very miraculous ang relic ni St. Therese and she had this special heart for the uniformed and law enforcers personnel kaya nangunguna ang mga kapulisan, kasundaluhan sa kayang pinaparoonan kahit saang iba’t ibang sulok ng Pilipinas.” Pahayag ni Msgr. Ortizo sa Radyo Veritas.

Ang relikya ni Sta. Teresita ay dumating sa bansa noong ikalawa ng Enero, 2023 kasabay ng ika–150 kapangakan nito at magtatapos naman ang pagdalaw sa bansa sa ika-30 ng Abril, 2023.

Tema ng pagdalaw ng relikya ni Sta. Teresita ang ‘Lakbay Tayo St. Therese! Ka-Alagad, Kaibigan, Ka-Misyon!’

Unang dumalaw sa bansa ang pilgrim relic ni St. Therese taong 2000 at nasundan noong taong 2008, 2013, at 2018.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 20,415 total reads

 20,415 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 20,542 total reads

 20,542 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 36,888 total reads

 36,888 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 93,294 total reads

 93,294 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 216,795 total reads

 216,795 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 300,368 total reads

 300,368 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top