Tulong pangkabuhayan sa mga mangingisdang apektado ng oil spill, panawagan ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,059 total views

Patuloy na nananawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Calapan, Oriental Mindoro para sa mga mangingisdang apektado ng oil spill mula sa tumaob na Motor Tanker Princess Empress.

Ayon kay Calapan Social Action Director Fr. Edwin Gariguez, hindi pa rin pinahihintulutan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisda na makapaghanapbuhay dahil sa panganib na dulot ng tumagas na langis.

“Hanggang ngayon, ang mga mangingisda ay pinagbabawalang pumunta sa dagat at maghanapbuhay dahil nga mapanganib. Ito’y mahabang panahon bago makabawi dahil po malaki ang sira lalo’t higit ang karagatan,” pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan ni Fr. Gariguez ang tulong-pinansyal na higit na kailangan ng mga apektadong pamilya bilang pangmatagalang suporta upang muling makapaghanapbuhay at pantustos sa iba pang mga pangangailangan.

“Kasi ‘yun pong pagtulong na pagkain ay ‘yun nama’y natutugunan ng pamahalaan, mas madali kasing gawin. Pero ang mas kailangan po ay ‘yung tulong sa hanapbuhay,” saad ng pari.

Hinimok din ng pari ang lahat na ngayong Kuwaresma ay sikaping magbahagi sa mga higit na nangangailangang katulad ng mga apektadong mangingisda.

Dulot ng oil spill sa Mindoro, umaabot sa 18-libong mangingisda ang nawalan ng hanapbuhay bukod pa sa pagkapinsala sa kalikasan, at panganib sa kalusugan ng mga residenteng naninirahan malapit sa baybayin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,517 total views

 50,517 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,599 total views

 83,599 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 111,950 total views

 111,950 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 179,682 total views

 179,682 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 199,301 total views

 199,301 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top