Pagpapasara ng POGO sa Pilipinas, isinusulong ni Senator Gatchalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,236 total views

Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian – Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture at Energy ang tuluyang pagbabawal sa anumang operasyon ng Philippines Offshore Gaming Operators (POGO). Ayon kay Senator Gatchalian, ito ay dahil ilang beses ng napatunayan sa mga idinaos na pagdinig at imbestigasyon ang paglabag ng mga POGO sa batas.

“Kaya ang rekomendasyon ko sa ating mga Senador at sa ating executive na i-ban na yung POGO dahil tuloy-tuloy yung kriminalidad Father, at dapat wag tayong umakit ng mga negosyo na sisira sa lipunan natin dahil sa kriminalidad,” bahagi ng panayam sa Radio Veritas ni Senator Gatchalian.

Sa Programang ‘Veritasan’ kasama si Rev. Fr. Jerome Secillano, Rector ng EDSA Shrine at executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Public Affairs ay ibinahagi ng mambabatas ang mga dahilan kung bakit mariing tinututulan ang pagpapatuloy ng POGO sa Pilipinas.
Ayon sa Mambabatas, ito ay dahil narin sa pagtaas ng kaso ng patayan at kidnapping ng mga sindikatong nagpapatakbo ng POGO.

Kaakibat ito ng napakababang buwis na nasingil ng pamahalaan nung nakalipas na taon na umabot lamang sa mahigit 4-bilyong piso kumpara sa buwis na dapat ibayad sa ilalim ng batas ng Republic Act (RA) No. 11590 o ang POGO Tax Law na aabot sa 30 hanggang 40-bilyong piso dahil sa mga kaso ng ‘tax evasion’ ng mga nagpapatakbo ng POGO.

“Hinahabol ng ating BIR ngayon yung mga POGO na yung mga tawag nilang Service Providers pati yung 3rd Party Auditors ay hinahabol ngayon, ito ay lahat lumabas sa hearing, hindi naman namin inembento ito Father, lahat ito ay substantiated ng documentations, substantiated ng testimonies, lahat naman po ito nasa transcript,” bahagi pa ng panayam kay Senator Gatchalian.

Sa datos ng Mambabatas, 18-kaso na may kaugnayan sa POGO at human trafficking ang naitala na simula noong Enero 2022, habang patuloy din ang mga imbestigasyon sa mga pagdakip at pagpaslang sa mga Chinese, Vietnamese at Cambodians na sapilitang pinagtatrabaho sa Pilipinas sa mga POGO sites.

Kasama din sa mga iniimbestihahan aang iba pang mga kaso ng paglabag sa batas katulad ng human trafficking at pagpapahintulot sa mga banyagang makapasok sa Pilipinas sa kabilang ng kakulangan ng mga dokumento upang makapagtrabaho lamang sa POGO.

Sa kasalukuyan, inihayag ni Senator Gatchalian, aabot sa 16-libong Pilipino ang nagtatrabaho sa mga POGO Sites, habang noong 2019 ay aabot sa higit 100-libo ang mga POGO Workers, 20-libong sa talaan ang mga Pilipino at aabot naman sa mahigit 80-libo naman ang mga Chinese workers.

Muli ring nanindigan si Father Secillano na kailanman ay tutol ang simbahan sa anumang uri ng pagsusugal dahil imoralidad na idudulot nito na sisira sa lipunan, indibidwal at pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 54,839 total views

 54,839 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 50,708 total views

 50,708 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 86,910 total views

 86,910 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 95,378 total views

 95,378 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 120,115 total views

 120,115 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top