Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isantabi na ang “dole-out” mentality, hamon ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

 2,136 total views

Tulungan ang mamamayan na makaahon sa kahirapan hindi sa pamamagitan ng “dole-out”.

Ito ang hamon ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa naitalang pagbaba ng inflation rate noong Abril na umabot sa 6.6% kumpara sa 7.6% noong Marso.

Ayon sa Obispo, bagamat mabuti ang pagbaba ng mga presyo ng bilihin at serbisyo ay hindi naman ito kagyat na nararamdaman ng mga mahihirap.

“Kaya alam niyo na ang pagpapaganda ng buhay ng tao ay hindi yan madaliang gawain, yan ay talagang dapat ay consistency, may mga polisiya na nakalagay kung paano makakatulong sa mga tao.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabilo.

Inihayag ni Bishop Pabillo na nararaoat lumikha at ipatupad ng pamahalaan ang mga umiiraal na batas na layuning mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mamamayan na hindi naaapektuhan ng anumang paggalaw ng presyo ng bilihin.

Umaapela naman si Bishop Pabillo sa mamamayan na suportahan ang mga programa ng simbahan na layuning itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Ito ay ang mga inisyatibong katulad ng Pondo ng Pinoy kung saan ang nalilikom na pondo ay nilalaan sa pagpapakain at pagtulong sa mga mahihirap at naninirahan sa lansangan.

“Tulad ng pagiging katiwala, mabuting katiwala we need to have more sharing of resources para gumanda ang kalagayan ng mga tao kaya’t sana’y mapaigting natin yung mga programa na nakakatulong sa kapwa, tulad ng Pondo ng Pinoy maliit lang naman yan pero kung masanay tayo talagang magbahagi malaki ang maitutulong niyan.” bahagi pa ng panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.

Taon taon din ay umaabot sa milyon-milyong Pilipino ang natutulungan ng mga programa ng pamahalaan na katulad ng pamamahagi ng financial aid, pagpapatupad ng mga Sustainable Livelihood Programs at Tulong para sa mga Displaced/Distressed Workers o Tupad Program na gawain ng Department of Social Welfare and Development.

Habang noong 2022, simula ng pag-iral ng mga lockdowns noong Marso 2020 bunsod ng COVID-19 hanggang Disyembre 2021 ay umabot sa 2-bilyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Manila sa mga naapektuhan ng pandemya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 8,567 total views

 8,567 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 16,667 total views

 16,667 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 34,634 total views

 34,634 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 63,965 total views

 63,965 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 84,542 total views

 84,542 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 103 total views

 103 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 6,638 total views

 6,638 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top